Chapter 24: Knowing Him More

25 3 0
                                    

Amanda's POV

So weird!

Kasalukuyan kaming naghahanda para sa balak naming pagsi-swimming. Yun naman talaga ang pinunta namin dito. Maaga kaming nagising kaya maaga din kaming nakakain. Hindi katulad kahapon, mag gagabi na ng makakain kami. Ang dami kasing alam ni kuya Kenneth tsaka ni Keila.

Speaking of kuya Kenneth and Keila. They are very weird. So as my other friends. So weird. Ang weird lang talaga ng umaga ko.

Ang weird ng paligid! Nawi-wirduhan ako sa kanilang lahat. Biruin mo si kuya Kenneth tsaka si Keila nagyakapan kanina paggising. Samantalang hindi mapagsama ng ilang minuto yan ng hindi nag-aaway dati. Weird right?

"Let's go!"sigaw ni Marie. Lumabas na kaming lahat ng room at naglakad papuntang elevator. Dahil nga sa madami kami hindi kami kasya sa isang elevator lang, kaya hindi kami sabay-sabay.

Pagkalabas ay dumiretso na kami sa cottage namin. Kanya-kanya naman na sila sa paghahanda. Nagbihis na yung mga babae, kasama na ako. Pagbalik namin sa cottage ay nakahanda na ang mga pagkain pati na din ang mga gamit namin.

"Hindi kayo magbibihis?"tanong ni Yana sa mga lalaki na nagsisimula ng kumain. Hindi na ako magtataka kung isang oras pa lang kami dito ay ubos na ang mga pagkain.

"Bihis na kami"sagot naman ng pinsan niya na si Calyx. Inirapan naman ito ni Yana.

"Hindi naman ikaw ang tinatanong"bulong ni Yana pero narinig naman ng lahat.

"Tsk! Basta bihis na kami!"inis na sagot ni Calyx at nauna na sa dagat oara maglangoy.

"Bida-bida talaga"bulong ulit ni Yana at kumuha ng pagkain. Ayan! Isa pa 'yan! Isa pa 'yang dalawang 'yan sa pagiging wierd. Simula ng dumating kami dito ay lagi ng magkasama at magkadikit 'yang mga 'yan pero ngayon, wala na, inis na sila sa presensiya ng isa't-isa.

"LQ eh?"nakangising tanong ni Xio. Hindi naman siya sinagot ni Yana at sumunod sa dagat para maglangoy din. Ay inisnob ang ate niyo Xio hahahaha....

"Aba't..Kita niyo yun? Hah! Nakita niyo yun? Inisnob niya ang kagandahan ko! That's an insult bes! That's an insult!"iritadong tanong niya sa amin habang nakaturo kay Yana na naglalangoy na. Nagpaalam naman si Angela na maglalangoy na din, ganun din ang iba pa. Naiwan naman kaming lima dito sa cottage, at iritang-irita pa rin ang mukha ni Xio habang nasubo ng pagkain. Tsk! Takaw!

"Nag-LQ lang hindi na namansin!"kita ang pagka-irita nito habang sumusubo parin ng pagkain. Napatawa naman kami dahil sa mukha niya. Mukha siyang inagawan ng paborito niyang gamit.

"Hindi naman kasi sila LQ"seryosong sabi ni Marie kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Ohhh..

"Anong tawag mo dun?! Lambingan!? Ganon?!"inis na sabi ni Xio. Tahimik lang kaming tatlo habang nakatingin sa kanila. New fight? No!

"Hindi nga kasi sila LQ"iritadong sagot ni Marie at tumingin kay Xio.

"Ano nga yun?! Lambingan?!"inis pading sabi ni Xio.

"Ano ba meaning ng LQ?!"tanong ni Marie. Ba't ambilis mainis neto?

"Lovers quarrel?"patanong na sagot ni Xio "LQ lang hindi pa alam"rinig kong bulong ni Xio. Magkatabi lang kasi kami at kaharap naman namin sina Marie.

"Hindi naman sila lovers"mahinang saad ni Marie at napayuko.

"Eh? Hindi ba? Ano sila? M.U lang ganon?"naguguluhang tanong ni Xio. Hindi ba niya alam na magpinsan yung dalawa?

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon