Keila's POV
I wonder kung anong mangyayari sa akin kung tumalon ako mula sa rooftop hanggang sa groundfloor pero ang babagsakan ko ay tubig. Mabubuhay kaya ako? Depende naman siguro iyon sa taas ng tatalunin ko diba?
I wonder kung ano talaga ang nauna itlog o manok? Siyempre manok! Wala namang sinabing itlog ang naunang ginawa ni Hesus eh! Sabagay.
I wonder kung bakit may nakita akong kuto sa ulo ng mamang kalbo kahapon. Kinukuto rin pala ang mga kalbo.
I wonder kung bakit kailangan pang magkaregla ng mga babae. Bakit ang sakit sa puson kapag meron silang mens. Ang sakit kaya ng puson ko huhuhuh!
"I wonder kung bakit ang ganda ko"napa-ayos ako ng higa at tumingin sa kisame. Bakit nga ba ang ganda-ganda ko? Hay naa-awa ako sa mga kaibigan ko. Lagi milang iniisip na ang gaganda nila pero sa totoo ako naman talaga yun!
Tumayo na ako at dumiretso sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw wala pa rin akong balak lumabas ng kwarto ko. Nakakatamad kasi. Nakakatamad bumaba wala rin naman akong magagawa eh. Bumalik na lang ako sa kama ko at nahiga ulit.
I wonder kung bakit may driving school akong nakita na ang liit-liit mas malaki pa bahay namin. Paano sila makakapag-drive dun kung ang liit ng space.
I wonder kung bak---
*knock knock*
"Keila ano wala kang balak lumabas diyan!"
Panirang yan! Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si kuya.
"Kuya ano ba! Can't you see I'm enjoying myself here!"kakainis naman kasi. Panira ng moment, lagi na lang siyang ganyan.
"Enjoying myself here! Nakahiga ka lang naman! Bumaba ka na nga diyan luto na yung pagkain"sabi sa akin ni kuya at nauna ng bumaba. Lumabas naman na ako ng kwarto at bumaba na rin. Pagdating ko sa kusina ay nakahain na ang pagkain.
"Si mama?"tanong ko kay kuya na kumakain
"Umalis. Mamaya pang gabi ang uwi"napatango na lang ako at sinimulan na ding kumain. Napansin kong bagong ligo si kuya at maayos ang suot niyang damit. Aalis din kaya siya?
"Aalis ka?"tanong ko. Tiningnan naman ako ni kuya tsaka tumango at tumayo. Ibig bang sabihin nun maiiwan akong mag-isa dito?
Yes! Pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ko. Mag-isa lang ako mamaya yey! Magagawa ko na ang lahat ng gusto ko bwahahaha!
"Aalis na ako"at yun lumabas na nga si kuya ng bahay.
Pangit ni kuya!
Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ito, kasama na rin ng kinainan ni kuya. Masipag na nilalang ang role ko ngayon.
Inayos ko na rin yung lamesa at bumalik sa kwarto para kunin yung phone ko. Dahil mag-isa lang ako magpaparty-party muna si ako. Ngayon na lang ulit ako naiwang mag-isa dito sa bahay kaya susulitin ko na.
Minsan masaya ang may kasama pero minsan mas masaya ang mag-isa.
Kapag mag-isa ka kasi walang magju-judge sayo. Kapag mag-isa ka pwede mong gawin yung mga bagay na hindi mo magawa kapag may kasama ka. Kapag mag-isa ka makakapag-isip ka ng maayos at kapag mag-isa ka hindi ka na mamomroblema pa. Ang poproblemahin mo lang ay ang sarili mo wala ng iba.
Pagkababa ko ay sinaksak ko agad sa speaker yung phone ko.
"You can call me artist"
"You can call me idol"
"Nanananana"napatawa na lang ako sa sarili ko ng hindi ko na alam paano bigkasin ang susunod na lyrics, kaya sinayawan ko na lang ito.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)
RandomMeron limang magkakaibigan sila sina.. Marie De Vera Cassandra Guello Keila Suarez Amanda Selly Xiomara Peña Sila ay magkakaibigan...sabihin na nating matalik na magkakaibigan Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari magbabago ang lahat. "Not all...