Xiomara's POV
Pabagsak akong humiga sa kama ko at nagpagulong-gulong. Naiinis ako. Ano ba kasi talagang problema ni Keila bakit kailangan niya pang sabihan ng hindi belong si Amanda? Bakit kailangan naman sabihan ng malandi ni Amanda si Keila?
Ngayon ko lang nakita na magalit sa isa't-isa yung dalawa. Sobrang galit sila kanina. Ang hirap talaga kapag may hinanakit ka sa isang tao, masasabi mo talaga sa kanya lahat ng masasakit na salita kapag nagalit ka
Kamusta na kaya si Amanda? Hindi na kasi siya pumasok simula ng mag-away sila kanina. Sinundan kasi siya ni Melvin kanina pagkalabas niya, kaso pagbalik ni Melvin maga ang kanyang mga mata na parang galing lang sa kakaiyak.
Nag-away siguro sila. Ngayon ko lang rin nakitang ganun kasakit magsalita si Amanda. Bait-bait nun eh!
"Anak kakain na"napatayo ako sa pagkakahiga at napatingin sa salamin. Ang ganda ko pala talaga!
Bumaba na ako at dumeretso sa kusina. Buti pa dito sa bahay wala gaanong problema. Hindi katulad sa school puros problema
Gusto ko sanang sundan si Amanda kanina kaso naiisip ko na kailangan niya munang mag-isa. Nag-aalala nga ako kasi hindi namin siya kasabay umuwi kanina. Nag-cr lang ako saglit pero pagbalik ko ng room wala na yung bag niya. Kaya naisip namin na ayaw niya pa nga siguro makipag-usap
"Anak ayos ka lang?"
Sana naman ayos lang siya. Ang hirap pala talaga kapag may nag-aaway sa mga kaibigan mo. Hindi mo alam kung saan at kanino ka kakampi. Ganito rin kaya naramdaman nila nung hindi ko pinansin si Cassandra?
"Anak!"
Napatingin ako kila mama ng tawagin nila ako
"Bakit po?"
"Tinatanong ka namin. Ayos ka lang?"tanong sa akin ni mama
"Opo. Ayos lang ako"sagot ko
"Bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo?"napatingin ako sa pagkain ko at wala pa nga itong bawas. Nakita ko naman ang mga plato nila mama paubos na ang pagkain nila
Hindi naman ganun karami ang iniiisip ko pero bakit lutang ako?
"Mayiniisip lang po ako"
Bakit ba naman kasi nag-away pa sila. Dagdag isipin tuloy. Baka sabihin pa nila mama na may boyfriend na ako dahil ang lalim ng iniisip ko. Lagi naman silang ganyan eh, nagtatanong kung mayboyfriend na ba ako.
"Mayproblema ba?"
Meron po..
"Wala po. Iniisip ko lang po kung pano ko gagawin yung project namin"palusot ko. Ayaw ko ng dumagdag pa sa isipin nila mama. Tsaka mag kakaayos din naman siguro agad yung dalawang yun eh.
"Ah ganun ba. Kumain ka na diyan papayat ka"paalala ni mama. Nagsimula na akong kumain never akong mawawalan ng gana kumain sarap-sarap kaya kumain.
Walang gana akong umupo sa tapat ng bintana dito sa kwarto ko. Maganda pala talaga ang mga bituin sa langit, ngayon ko lang napansin. Hindi naman kasi ako observant eh. Masmaganda kasing wala ka na lang pakielam minsan sa paligid mo para less stress diba.
*ting*
Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito. Nagdadrama ako dito sa tapat ng bintana ng iistorbo toh! Kinuha ko ang phone ko ang tiningnan kung ano ang dahilan kung bakit ito tumunog.
Squad <3 ;)
-> Amanda Selly left the group.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)
AcakMeron limang magkakaibigan sila sina.. Marie De Vera Cassandra Guello Keila Suarez Amanda Selly Xiomara Peña Sila ay magkakaibigan...sabihin na nating matalik na magkakaibigan Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari magbabago ang lahat. "Not all...