Xiomara's POVInis akong bumalik sa upuan ko at tiningnan ng masama yung apat na babae na naguusap-usap, pati na rin yung tatlong lalaking naglalaro sa likod. Ano ba ang problema ng mga walang hiyang toh?!
Kanina pa sila ganyan. Hindi nila ako pinapansin! May nagawa ba akong mali? Wala naman eh!...
Hindi na nila ako pinapansin, samantalang nung thursday at friday hindi matatapos ang araw ng hindi nila ako pinagtitripan. Tapos nung nakauwi na kami dito sabado linggo hindi kami nagkita tapos ngayon eto hindi nila ako pinapansin.
Umayos na lang ako ng upo at tumingin sa pintuan. Wala na naman kaming teacher ngayon absent daw kasi. Napangiti ako ng pumasok si Ezekiel. Pwede ko siyang kausapin tama!
Ng makaupo na siya ay tinawag ko siya, pero ayun hindi niya ako pinansin. Ano ba kasi talaga ang nangyayari?!
"Ano hindi mo na rin ako papansinin?!"inis kong tanong. Naiinis na ako hah! Tumingin naman sa akin si Ezekiel kaya tiningnan ko siya ng masama. Magsasalita na sana siya kaso napatingin siya sa gilid ko kaya bigla niyang natikom yung bibig niya at umiwas ng tingin. Napatingin din ako sa gilid ko pero nag-uusap na ulit yung apat na babaita
"Ayan diyan ka kasi magaling eh! Kapag wala ka ng kailangan wala na ding pansinan!"sabi ko kay Ezekiel at yumuko na lang.
Hindi ko kailangan ng kausap!
Kinuha ko yung earphone ko at nakinig na lang ng music. Ok lang naman ako kahit hindi nila ako pansinin. Ok lang talaga! Sa sobrang ok hindi na nga ako nasasaktan eh.
Nakayuko lang ako dahil wala naman akong magagawa. Ayokong naman mag phone baka mahagis ko lang yun dahil sa inis ko.
Ang boring!
*kring kring*
Tinago ko na yung phone at ang earphone ko. Uwian naman na kaya uuwi na lang ako. Nang maayos ko na ang gamit ko ay tumayo na ako at lumabas ng room.
Ayaw nila akong pansinin ibig sabihin nun ayaw din nila akong kasabay.
Medyo binilisan ko yung lakad ko. Nagugutom na ako eh! Nang malapit na ako sa gate ay nagulat na lang ako ng may humila sa braso ko. Pilit akong kumawala sa hawak niya pero hindi ko magawa, kasi ang higpit ng pagkakahawak niya. Tiningnan ko kung sino yung nanghila sa akin. Hindi niya dapat ako pinapansin diba? Nagpahila na lang ako dahil tinatamad na akong lumaban. Mahigpit kumapit si kuya eh!
Tumigil siya ng malayo na kami sa ibang mga estudiyante. Hinigit ko ang braso ko at buti naman ay binitawan niya na ito
"Ano ba! Makahila ka ah! Close tayo?!"sigaw ko sa kanya. Nanggigigil ako sa mukha ng lalaking toh eh! Sarap sapakin.
"Hindi ko alam?"patanong na sagot ni Ezekiel. Kelan pa naging tanong ang 'hindi ko alam'?
"Bakit mo ba ako hinila? Alam mo bang nagugutom na ako! At hindi ako makakakain dahil hinila mo nga ako!"inis ko paring sigaw sa kanya. Gutom na ako!
"Gusto lang naman kitang kausapin eh!"sabi niya sa akin at umiwas ng tingin.
"Ako kakausapin mo? Kanina nga hindi mo ako pinapansin tapos ngayon gusto mo akong kausapin! Niloloko mo ba ako?!"sigaw ko sa kanya. Alam niyo yung feeling na ang sarap sakmalin at bugbugin yung taong kaharap niyo. Dagdag badtrip kasi eh. Gutom na nga ako makikisingit pa kakausapin pa ako.
"Eh kasi..."napakamot siya ng batok at nilibot ang tingin sa kapaligiran. Kasi-kasi ang daming dahilan iisa lang naman nagugustuhan!
"Kung kakausapin mo lang ako dahil kay Cass, wag ngayon! Nagugutom ako kaya wag mo na akong guluhin baka ihawin kita diyan eh!"tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad pero hinigit niya ulit ang braso ko pabalik. What do you expect Xio? Makulit yan hindi ka niyan titigilan hangga't hindi niya nakukuha yung gusto niya. Manggagamit!
BINABASA MO ANG
Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)
RandomMeron limang magkakaibigan sila sina.. Marie De Vera Cassandra Guello Keila Suarez Amanda Selly Xiomara Peña Sila ay magkakaibigan...sabihin na nating matalik na magkakaibigan Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari magbabago ang lahat. "Not all...