Xiomara's POV
"Xiomara anak andyan na mga kaibigan mo"
Mabilis ko ng sinuklay yung buhok ko sinuot yung sapatos ko tapos inayos yung necktie ko tas nagdali-dali na akong bumaba at baka mainip na ang mga bestfriend kong mababait.
"Ano ba 'yan anak yung buhok mo ayusin mo nga first day of school niyo mukha kang bruha"sabi ni mama habang inaayos yung buhok ko "Mama ok na yan maganda parin naman ako kahit magulo yung buhok ko eh"sabi ko habang hinihigit yung buhok ko galing kay mama para puntahan na yung mga kaibigan ko.
"Andiyan na pala kayo"
"Uy tara na baka malate pa tayo"sabi ni Marie na suot na naman ang kanyang malaanghel na ngiti. Edi siya ng palangiti..
"Asan na si Amanda?"
"Dadaanan pa natin. Tara na?"sabi naman ni Cassandra at tumango na lang ako
"Alis na po kami tita"sabi naman ni Kiela at nagbeso-beso na sila
"Bye mama see you later"sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama
"Bye anak galingan mo ah ingat kayo"
Napag - usapan naming magkakaibigan na maglakad na lang kasi malapit lang naman yung bago naming school so ito kami ngayon naglalakad papunta kila Amanda at susunduin pa namin siya.
Nagdoorbell na si Marie at pinagbuksan naman kami ng nakababatang kapatid ni Amanda
"Uy mga ate pasok po kayo. Nasa kwarto pa si ate Amanda eh"sabi ni Andrew na nakababatang kapatid ni Amanda kaya nagsipasok na kami kasi medyo malamig pa sa labas at hindi man lang ako nagjacket. Galing mo kasi Xiomara eh alam mo namang malamig hindi kapa nag jacket hayst.
Pagpasok namin sa loob sinalubong naman kami ni tita yung mama ni Amanda
"Goodmorning girls tara breakfast tayo"bati niya sa amin
"Ay hindi na po tita kumain na po kami salamat po"sambit naman ni Kiela. Ang bait niya ah! Ngayon lang yan hahaha
"Ah ganon ba sige,antayin niyo na lang si Amanda bababa na rin yun"sabi ni tita sa amin. Nakita naman naming bumaba na si Amanda
"Good Morning mommy!"sabi ni Amanda kay tita at tsaka kami hinarap
"Let's go! Baka malate pa tayo"sabi ni Amanda habang nakangiti sa amin. Tayo? Walang ganun!
"Uhm Amanda"sabi ko habang nakataas ang kamay.
"Ano yun Xio?"sabi nito habang nakangiti parin.
"Uhm kasi inform lang sana ulit kita na walang TAYO"sabi ko habang diniinan yung word na "tayo"na ikinakunot naman ng noo ni Amanda. Wala naman kasing kami!
"Aray!ano ba ba't ka nambabatok hah?"inis na sabi ko habang hinihimas ang batok ko na binatukan ni Kiela. Napaka mapanakit talaga nito!
"Dami mo kasing alam may pataas-taas ka pa ng kamay diyan eh walang tayo lang naman yung sasabihin mo"tumatawang sagot ni Kiela. Asus kung hindi ko lang talaga ito kaibigan tatampalin ko na ito kaliwa't kanan
Tumawa naman silang lahat kasama na dun sila tita at Andrew. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman eh. Sinasabi ko lang naman ang katotohonang walang kami.
"So by the way mommy, alis na po kami at baka malate pa kami first day of school pa naman namin"sabi ni Amanda kay tita at inayos yung necktie niya
"Hindi ka man lang ba mag-uumagahan?"tanong ni tita kay Amanda
"Sa school na lang po. Bye" sabi ni Amanda at humalik na sa pisngi ni tita at ganon na rin ang ginawa namin at naglakad na papuntang school.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)
AcakMeron limang magkakaibigan sila sina.. Marie De Vera Cassandra Guello Keila Suarez Amanda Selly Xiomara Peña Sila ay magkakaibigan...sabihin na nating matalik na magkakaibigan Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari magbabago ang lahat. "Not all...