Cassandra's POV
Kailangan ba talagang nasa kanya lahat ng atensyon?
Sinuklian ko siya ng ngiti ng tumingin siya at ngumiti sa akin habang naguusap-usap sila. Ang saya niya naman ngayon habang kanina ang sungit-sungit niya. Ayaw pang sumama sa amin. Kung hindi pa siya sinabihan nila Ezekiel na sumama sa amin, hindi talaga siya sasama. Tsk! Tsk!
Si Ezekiel? Si Ezekiel na ayaw na ayaw niya dati, ngayon ay sobrang saya niya na kapag kinakausap ito. Close na pala talaga sila, sabagay sa buong isang linggo na hindi namin siya kinausap ang lagi niyang kasama ay sila Ezekiel at mga tropa niya. New friends eh?
Ang galing! Ang galing niya umarte sobraaaaa...
"Cass!"napalingon ako ng tawagin ako ni Marie.
"Bakit?"
"Tara!"tumayo naman na ako at sumunod sa kanya palabas ng room namin. Nasa iisang kwarto lang kasi kami ngayon.
Pagkalabas ko ay nandun din sina Keila at Amanda. Ano na namang pakulo nila? Naglakad na sila kaya sumunod na ako.
"Saan tayo?"tanong ko. Hindi ba pwedeng dun na lang din kami sa kwarto?
"Kukunin natin yung gift para kay Xio, nakalimutan mo na?"takang tanong ni Marie. Oo, hindi naman kasi worth it para alalahanin.
"Ahh oo nga pala hehehe"
"Buti hindi na galit si Xio noh?"mangahang saad ni Marie.
"Bakit ba kasi kailangan niyang magalit?"
"Siyempre hindi natin siya pinansin"sagot ni Marie. Tsk!
"Bakit tayo? Diba hindi niya rin naman tayo pinansin noon? Hindi naman tayo nagalit ah!"
"Iba kasi yun Cass. Galit kasi siya sa atin nun kaya hindi niya tayo pinansin. Ngayon naman ay pinrank natin siya, kaya hindi natin siya pinansin"paliwanag ni Marie
"Tsk kahit na! Masyado siyang maarte!"
Nagulat ako ng biglang tumigil si Marie sa paglalakad at humarap sa akin. Ang sasama ng mga titig niya, bakit?
"May problema ka ba kay Xio?"inis niyang tanong. Lah anyare dito?
"Wala naman"
"Wala naman pala eh. Bakit parang galit kapa sa kanya?"
"Eh bakit ba pinagtatanggol mo siya?"bakit siya na naman?
"Kasi wala naman siyang kasalanan Cassandra"mahinanon na sabi niya
"Hay ewan!"nauna na akong maglakad sa kanila, naramdaman ko naman sumunod na sila sa akin.
Bakit ba hindi na lang sila magalit kay Xiomara? Kelan pa nga ba sila nagalit dun? Sa pagkakaka-alala ko ay ni minsan hindi pa sila nagalit dun. Lagi lang siyang nagagalit sa amin, pero kami hindi pa kami nagagalit sa kanya.
Ngayon nga lang namin hindi pinansin yun eh. Kumbaga sa isang pamilya siya ang bunso at pinaka spoild. Sabagay bunso naman talaga namin siya, pero kasi bakit parang kahit kelan hindi pa siya nagkakasala sa paningin nila? Tsk!
Palabas na kami ngayon ng resort, dun daw kasi namin aantayin yung regalo. Ano ba kasi yung regalo nila? Sana sa birthday ko ganito din sila ka effort haayyy...
Namangha ako sa daan na dinadaan namin ngayon. Ang daming ilaw, nakakaaliw! Bawat daanan namin ay merong poste ng ilaw kaya kitang-kita parin yung mga nag gagandahang bulaklak. Meron pang fountain malapit dun sa entrance.
BINABASA MO ANG
Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)
LosoweMeron limang magkakaibigan sila sina.. Marie De Vera Cassandra Guello Keila Suarez Amanda Selly Xiomara Peña Sila ay magkakaibigan...sabihin na nating matalik na magkakaibigan Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari magbabago ang lahat. "Not all...