Chapter 27: Their Fight

35 1 0
                                    

Third Person's POV

Hindi magkandaugaga ang mga tao sa ospital, dahil sa sunod-sunod na pagdating ng labing anim na kabataan na puros sugatan.

"Bilisan niyo!"sigaw ng isang doktor sa mga nars. Dali-dali naman nilang dinala ang  kabataan sa ER.

Samantala...

"Ma! Handa na ba lahat? Pauwi na sina Xio"tanong ng ama ni Xio sa kanyang asawa. Excited na kasi ito dahil ngayon ang araw nang uwi ng kanilang unica ija. Naghanda din kasi sila nang isang surprise party. Kasi diba birthday nga ni Xio.

"Oh anong nangyari sayo?"takang tanong ng ama ni Xio sa asawa ng makita itong nakatitig sa telepeno at lumuluha.

"Ma, anong nang yari? Bakit ka umiiyak?!"naguguluhang tanong nito. His heart beat race when he heard his wife's statement.

"S-si Xio nasa h-hospital"tuluyan nang napa-iyak ang ginang dahil sa nabalitaan. Tila naman natulos sa kinatatayuan ang ama ni Xio.

"Tita? Tito? Kelan pa da--- anong nangyayari?"tanong ng batang si Hanni ng makita niya ang kanyang tita at tito na umiiyak.

"Saang hospital?!"naluluhang tanong ng ama ni Xio.

"Sa *** hospital"umiiyak na turan ng asawa nito. Nang malaman ito ng kanyang asawa ay pinatahan siya nito at sinabihang maghanda, dahil pupuntuhan nila ang kanilang anak.

"What? Hindi man lang nila ako pinansin"takang tanong ng batang si Hanni.

Sa kabilang banda...

"Nagugutom na ako" saad ng nakababatang kapatid ni Marie na si Melly. "Antayin na natin si Ate Marie mo. Alam ko, pauwi na sila ngayon."

Walang ibang nagawa ang si Melly kundi tumango sa sinabi ng Papa niya. Gusto sana niyang sumama sa swimming ng ate niya  kaso nga lang hindi pwede dahil gala lang iyon ng tropa nila.

*Kring kring*

"Melly anak, pakisagot yung telepono." Agad namang lumapit ang anak na si Melly sa teleponk at sinagot iyon.

[Hello? Kamaganak po ba kayo ni Marie De Vera?]

"Opo. Bakit po? Ano pong nangyari kay Ate?"

[Pumunta po kayo dito sa *** hospital. Nabangga po ng truck yung kotseng sinasakyan nila ng mga kaibigan niya.]

"H-Ha? A-Ano po? Pupunta na po kami diyan."

Binaba na ni Melly ang tawag at agad na pumunta sa mga magulang niya.

"Ma, Pa, nasa ospital po si Ate"

"H-Ha?! S-Saang ospital yan?!"

"Sa *** ospital po!"

"Tawagan mo yung parents ni Amanda! Baka di pa nila alam 'to!" Utos ng Papa ni Marie. Mangiyak-ngiyak na ang ina niya habang si Melly naman ay nanginginig na tinawagan ang mga magulang ni Amanda.

"W-Wala pong sumasagot kayna Ate Amanda." Sambit ni Melly. Sinubukan niya uli itong tawagan ng ilan pang beses ngunit wala. "H-Hayaan mo na. Pumunta na tayo sa Ate Marie mo."

Bumyahe na papaalis ang pamilya ni Marie upang puntahan siya sa ospital.

Samantala, mababakas ang iritasyon sa mukha ng ina ni Keila at Kenneth.

"Sabi ko sa kanila, umuwi sila ng maaga. Sayang 'tong hinanda ko para sa kanila." Mag isang nakaupo ang ginang sa lamesa at magsisimula na sanang kumain ng biglang tumnog ang telepono.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon