Chapter 26: Surprise...

37 5 3
                                    

Keila's POV

AWKWARD

'Yan ang atmosphere namin ngayong umaga. Nasa sasakyan na kami ngayon at ni isa sa kanila--sa amin ay walang nagsasalita.

Wanna know what happened kaninang umaga? Kahit ayaw niyo namang malaman sasabihin ko parin hehe...

*flashback*

Pagkamulat pa lamang ng mata ko ay si Xio na agad ang hinanap ko. Kasi diba nakatukog ako kagabi ng wala si Xio sa kwarto.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at nakita kong ako na lang ang tao dito sa kwarto namin. Wow! Hindi man lang ako ginising!

Nag-ayos na muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Pagkalabas ay nadatnan ko silang tahimik lang na naka-upo at may kanya-kanyang ginagawa.

Sina Ezekiel, Ryle at Daren ay naka-upo lang at nag-uusap, ganun din sina Peter, Jerry at Melvin. Si Angela at Yana naman ay nag-uusap din at nagtatawanan pa. Sana all masaya...

Napatingin naman ako kina Cassandra at Amanda. Nasa isang tabi lang sila naka-upo pero hindi sila nag-uusap. Ano na naman kayang nasa-isip ng mga 'toh?

Sunod ko namang tiningnan si Marie, kasama niya naman si Calix at Jettro. Nagkwe-kwentuhan sila at parang alam ko na yung pinag-uusapan nila, naluluha na kasi si Marie kaya sigurado yung nang-yari kagabi ang pinag-uusapan nila.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa sala pero hindi ko na makita sina Xio at kuya. Nasan naman kaya ang mga yun? Lumakad naman na ako papuntang kusina kasi malay mo diba nandito yung dalawa...

Nadatnan ko naman si kuya na nasa kusina at nakatitig sa phone niya. Nakatitig lang siya at hindi siya gumagalaw. Pingamasadan ko pa siya at maya-maya lang ang maynakita akong luhang pumatak sa mga mata niya. Hala! Anong nang-yari?

Nasundan pa ang mga luha niya hanggang sa tuluyan na siyang napa-iyak. Dali-dali ko naman siyang nilapitan at niyakap. Bakit ba umiiyak si kuya? Sa totoo lang ngayon ko na lang ulit siyang nakitang umiyak ng ganito. Minsan kasi hanggang luha lang siya pero hindi ang hagugol.

"Kuya bakit?"

Hindi ko na napigilan at nagtanong na ako. Nakakaintriga kasi talaga. Hindi niya naman ako sinagot at niyakap lang ako ng mahigpit.

Ano ba kasi talagang nang-yari? Andami namang problema oh! Hindi pa nga naayos yung kagabi sumunod naman 'tong si kuya.

Nakakastress na! Nakakainis! Ang hirap gumawa ng desisyon. Alam kong magkakaroon ng kampihan sa grupo namin dahil sa nang-yari kagabi. Si Cass at Amanda magkakampi na 'yan, halata naman. Si Marie alam kong panig 'yan kay Xio. Ako? Saan ako? Kung kina Xio ako o 'di kaya kina Amanda-- Argh! Ayoko ng may kampihan! Gusto ko lahat kami kampi eh. Hindi yung kami pa yung nagaaway-away.

"Bati na kayo?"tanong ni kuya habang nagpupunas ng luha. Tumango lang naman ako bilang sagot at tinitigan siya. Bakit ba ayaw mong magsabi ng problema mo?

"Bakit? Sobrang gwapo ko ba?"tanong ulit niya at tumawa ng pilit. Napangiwi naman ako at inirapan siya.

"Bakit ka ba umiiyak hah?"

Bigla naman siyang sumeryoso at nag-iwas ng tingin. Sabi ko nga sasabihin niya nga tsk!

"Kung hindi mo sasabihin edi wag!"inis kong sabi at tumalikod na, pero bago pa ako makapaglakad ay nagsalita na siya.

"Nagsawa na siya"

Paglingon ko sa kanya ay nakayuko na siya at lumuluha. Nice! Umiiyak na naman siya.

Bestfriends Today Enemies Tomorrow (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon