Nakalimutan ko palang iannounce dito, add niyo rin si George sa facebook, George Abigail Mendoza yung pangalan niya :D
Chapter 7
“He said WHAT?!” Malakas na sabi ni Clarisse pagkatapos kong ikuwento sa kanila ni Tanya yung sinabi ni Andrew. “Tell me na hindi ka pumayag. You’re not that stupid, are you?” Kumunot yung noo niya habang nakatingin sa’kin.
“Syempre hindi,” sagot ko habang pinagpatuloy yung pagkain ko.
Kahit pa ako yung inagawan ni Trixie, hindi naman ako ganun kasama para gawin sa kanya yung ginawa niya sa’kin.
“Wait, wait, wait. Nalelerkey akech. So papayag ka na lang na manalo yung hitad na bruhang ahas na yun, ateng?” Nagtaas ng kilay si Tanya. “No way!” Maarte niyang sabi. Binatukan siya ni Clarisse.
“Ang arte mo talagang bading ka.” Inirapan siya ni Clarisse.
“Ang bitchesa mo talagang babae ka.” Mataray na sagot ni Tanya.
“I know, right?” Tapos tumawa silang dalawa. Hay naku, kahit kelan hindi ko maintindihan yung dalawang ‘to. Si Tanya pa lang, masakit na sa ulo. At ngayong lagi na rin namin kasama si Clarisse, maloloka na ata ako sa mga trip nitong dalawang ‘to.
“So anywaaay, as I was saying bago ako inistorbo nung isa diyan...” Tinignan ni Tanya si Clarisse na umirap ulit sa kanya. “Whylalu ka namang papayag na manalo yung bruhang yun, George? Ikaw yung original girlfriend, ikaw yung mahal, bakit ikaw yung magpaparaya?”
“Gaga ka ba? Ano, sinasabi mong pumayag ‘tong si George sa gusto nung Andrew na ‘yun at magiging kabit siya? Bakit siya magiging kabit kung tulad ng sabi mo, siya yung original? Bakit siya papayag na bumaliktad yung roles at siya na ‘yung kabit ngayon?”
“Hindi ko naman sinabing maging tunay siyang kabit, eneberrr! Ang gusto kong sabihin, bakit hindi niya patikim dun sa bruha kung pano maagawan ng boyfriend at dun naman sa saksakan ng engot na si Andrew, well, siya naman yung maloko for a change. Sisturrr, I’m talking about revenge! Bakit natin hahayaang maging happily ever after na yung dalawa habang brokenhearted etong bestfriend ko? Why not give them a taste of their own medicine? In short, magdusa silaaa!”
Tumigil si Clarisse sa pagkain at tumingin kay Tanya. “Oooh. I get it! So you’re saying na dapat pumayag si George sa gusto ni Andrew pero only as a part of her revenge on them. That way, mararanasan nung bruha kung pano maagawa nung boyfriend and well, Andrew will learn his lesson for how he treated George because the whole thing would blow up on his face! Magffreak out yung bruha pag nalaman nagkabalikan si George at Andrew sa likod niya. Magsusumbong siya sa tatay niya. At lagot si Andrew sa tatay ni girl. I like that!”
“Of course. Ganyan talaga ako kabright.” Tumayo pa si Tanya at nagbow sa’min ni Clarisse.
“Kung pag-usapan niyo ko parang wala ako sa harap niyo.” Tinignan ko ng masama sina Tanya at Clarisse. “At no, thank you. Hindi ko gagawin yung gusto niyo. Bahala sila sa buhay nila, okay?”
BINABASA MO ANG
TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]
JugendliteraturThe Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't get over his unrequited love.Will love be able to work its magic on them?