Chapter 20: "Hypothetically."

7.7K 198 14
                                    

SHORT UPDATE :(

Chapter 20 

"Bakit, masama ba kung magkagusto ako sa'yo?"

Umiwas ng tingin si Kyle. Eengk! Wrong answer! Retreat! Retreat!! "George..."

"Pero syempre wala akong gusto sa'yo ah! Wag kang feeler! I mean, bakit naman ako magkakagusto sa'yo, di ba? Ano namang kagusto-gusto sa'yo? Ha. Ha-Ha-ha." Tumawa pa ko ng peke pero ang hysterical naman nung dating. Para akong sinisinok na ewan, susme!

Ngumiti si Kyle. Ting, ting, ting! May tama ka! "Tara, punta tayo sa Papa mo?" Tumayo siya at naglahad ng kamay.

EH KUNG HINDI KA KAYA NAGPAPAKAGENTLEMAN DIYAN NO? Naghahanap ata 'to ng away eh!

Nagkunwari akong di ko napansin yung kamay niya at tumayo na lang ako at naglakad palayo.

Nung makapasok kami ng elevator, tumingin ako ulit kay Kyle. Hindi ako makapagpigil, napatanong ako, "Hypothetically, hypothetic lang ah? Kung may gusto nga ako sa'yo... anong gagawin mo?"

Kumunot yung noo niya at mukhang pinag-iisipan niyang mabuti yung sagot. "Ewan... lalayo? Hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan kung ganon." 

"Bakit hindi? I mean, may gusto lang naman ako sa'yo. Hindi ko naman sinabing magkagusto ka rin sa'kin. Or may ineexpect ako pabalik. Ano bang masama dun ha? Grabe, lalayo agad? Di na agad pwedeng maging magkaibigan? Parang ang old-fashioned naman masyado nun. HINDI BA?!" Sumisigaw na ko nung matapos ako at tinignan ko si Kyle na gulat na nakatingin sa'kin. Ngumiti ako sa kanya. "I mean, hypothetically. Kung ganon nga... hypothetically. Hehehe." UTANG NA LOOB BAKIT PARANG TUNOG KAMBING YUNG TAWA KO?

"George---"

"Wala akong gusto sa'yo! Wag kang feelingero. Kundi sasapakin kita! Gusto mong masapak?!" 

Bumukas yung elevator sa floor ng kwarto ni Papa. Lumabas kami ni Kyle at naglakad kami papunta sa kwarto ni Papa.

"Huh? Hindi naman 'yun yung sasabihin ko eh. Tatanungin ko lang kung bakit galit ka na naman sa'kin?"

"HINDI AKO GALIT!!"

"Bakit ka sumisigaw?"

"Hindi ako sumisigaw..." Mahinang sabi ko.

"Tss. Ang weird mo, KS." Lumapit siya sa'kin at ginulo niya yung buhok ko. "Kung, hypothetically, may gusto ka nga sa'kin... lalayo ako kasi ayaw kitang masaktan ng dahil sa'kin. Kasi alam ko kung gano kahirap maging malapit na kaibigan ng taong gusto mo na hindi kayang ibalik yung nararamdaman mo. Lalayo ako dahil importante ka sa'kin at ayokong mas masaktan ka pa." 

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon