Chapter 18
"Hello, Kuya." Muntik na kong madapa dahil biglang gumalaw si Kyle at napatid ako sa binti niya. Buti na lang nakapagbalance ako at dumiretso na kong magpunta sa balcony ng kwarto ni Kyle.
"Georgina!" Dinedma ko na lang 'yung tinawag sa'kin ni Kuya Cedric.
"Kamusta si Papa?"
"Nagising na siya kanina, G."
Nanghina 'yung tuhod ko dahil sa sobrang relief na naramdaman ko at napaupo ako sa sahig ng balcony ni Kyle. Oh my God, Papa! Nagising si Papa! Hindi siya na-coma. Hindi nawala sa'min si Papa. "T-talaga? M..may complications ba? Sa memorya niya o sa pag-iisip niya? Ano? Naaalala niya ba kayo? Nakakapagsalita ba siya? Magiging maayos ba siya?"
"George, kalma. Huminga ka muna. Masyado kang tense eh."
"Kuya!"
Tumawa si Kuya Cedric. At mas nakahinga ako ng maluwag sa tawa niya. Kung tumatawa si Kuya Cedric, ibig sabihin everything's okay, right? Okay si Papa? "Okay si Papa. Medyo nalilito siya pagkagising siya at hindi niya naalala 'yung mismong aksidente niya pero sabi ng mga doctor, normal lang daw 'yun. Wala namang naiba sa kanya nung nakausap namin siya. Kaso kailangan pa niyang magpahinga kaya tulog na siya ulit ngayon. Mga tatlo o apat na oras daw bago siya magising ulit."
"Buti naman." 'Yung iyak ko ngayon ay dahil na sa sobrang tuwa at sobrang relief. Thank God, okay si Papa. Thank you. Sobrang thank you po, Lord.
"Ikaw? Okay ka na ba? May sakit ka pa ba?"
"Sinat na lang, Kuya. Pupunta na ako diyan sa ospital."
"Sunduin na kita. Sinabi sa'kin ni Kyle na sa bahay ka niya tumuloy. Hintayin mo na lang ako. Gigisingin ko lang si Kuya Rod para siya na magbantay kay Papa."
"Sige, Kuya. Wala akong susi ng bahay. Kailangan kong magpalit ng damit."
"Alright. Hintayin mo ko."
"Okay. Bye!" Tatapusin ko na sana 'yung tawag pero nagsalita ulit si Kuya Cedric.
"George?"
"Oh?"
"Okay na 'yung pamilya natin. Nalagpasan na natin 'to. Okay na tayo, 'tol."
Tumango ako at naluluha na naman ako. "Alam ko." Bulong ko kay Kuya Cedric.
Nung maibaba ko na 'yung tawag, tumitig ako sa balcony ko na katapat lang nung kay Kyle. Hindi ko magawang maisip kung anong klaseng bahay ang uuwian ko kung hindi nagising si Papa ngayon. Hindi kumpleto yung bahay namin kung wala si Papa.
BINABASA MO ANG
TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]
JugendliteraturThe Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't get over his unrequited love.Will love be able to work its magic on them?