Narealize ko kasing kulang yung chapter 9 ilang minutes after ko siyang mapublish pero di ko naman pwedeng iedit yun since may mga nakabasa na sooo eto na, part two po XD
Chapter 9 [Part 2]
(Kyle's POV)
"Ugh. Aray." Tinignan ko sa salamin yung sugat ko malapit sa mata. Takte 'yung Andrew, nagkasugat ako sa suntok niya ah. Nadaplisan ata ako nung singsing niya. Ang hirap pa gamutin kasi humahapdi yung mata ko pag sinusubukan kong gamutin. Tapos napapapikit pa ko kaya hindi ko lalo makita yung ginagawa ko. Mamaya masundot ko pa 'yung mata ko -____-
Pero syempre mas napuruhan siya. May sugat siya sa labi nung ginantihan ko siya ng suntok.
Mukhang naasar na talaga siya sa'kin dun sa huli kong sinabi kanina sa court kaya hindi na siya nakapagpigil at sinuntok na ko. Syempre ginantihan ko siya ng mas malakas na suntok -__- At tulad ng hinala ko, sobrang nagalit sa'min si Coach kaya pareho kaming nakabangko lang sa game namin next week.
Pero ang sakit talaga nung sugat ko, hindi ko pa magamot na matino. Pano ba ginagamot ni Kurt yung mga ganito? Ah teka, matawagan na nga lang yung expert sa mga ganito.
Calling Kurt...
"Hello, Kyle?"
"Yumi?" Langya. Hanggang ngayon, iba pa rin ang epekto sa'kin pag nakakausap ko si Yumi. Masama talaga 'to. Hay. "Bakit ikaw yung sumagot ng phone ni Kurt? Okay lang ba siya?"
"Yep, okay na okay lang 'yung kabute mong kapatid, don't worry. Kain lang kasi ng kain kaya ako 'yung pinasagot nung phone niya."
"Nice to know na mas mahalaga 'yung pagkain kaysa sa'kin." Pabiro kong sabi.
Sa background narinig kong sumigaw si Kurt ng, "Labyutu 'tol! Hahaha."
"Nakaloud speaker ako?"
"Yep." Sagot ni Yumi. "So bakit ka nga tumawag?"
"Ah, itatanong ko lang kung ano bang ginagamit na gamot ni Kurt pag nasusugat siya malapit sa mata pag nakikipag-away siya. Nasuntok kasi ako at may sugat ako sa malapit sa mata ngayon." Ilang minutong tahimik lang sa kabilang linya kaya tinignan ko binabaan ba ko nung dalawang 'yun. Hm, meron pa naman. "Uy?"
Sabay silang nagsalita, "Nakipag-away ka?! IKAW? Ikaw ba talaga 'yan, Kyle? Kelan ka pa naging goons parang 'tong kambal mo?" Tuloy-tuloy na sabi ni Yumi.
Narinig ko namang tumawa ng malakas si Kurt sa kabilang linya. "Sinong mas nakarami ng suntok? Mas malala 'yung lagay nung kalaban mo? Kambal kita kaya dapat ika---Aray, Strawberry!"
"Baliw ka ba? Ineencourage mo pa si Kyle na maging basagulero tulad mo!"
"Eh syempre, unang away ni Kyle 'to no! Dapat panalo siya! Tss, kambal ko ata 'yan. Teka, pano kung napuruhan si Kyle? Baka dapat resbakan namin nina Justin yun---Aray! Bakit na naman, Strawberry?"
BINABASA MO ANG
TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]
Teen FictionThe Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't get over his unrequited love.Will love be able to work its magic on them?