Chapter 43: "I can't wait to see you."

6.8K 210 23
                                    

Chapter 43 

There was a knock on the door.

Kababalik ko lang mula sa pagjojogging ko at pagod yung mga paa ko pero nasa banyo ngayon si Lyra kaya wala akong ibang choice kung hindi tumayo at buksan yung pintuan.

"Uhm, bakit?" Nagtatakang tanong ko nung makitang isang housekeeping staff yung kumakatok at may bitbit siyang isang malaking tray.

"Room service!" Nakangiti niyang sabi.

"Uh, wrong room ka yata? Pareho kaming intern nung roommate ko at hindi naman kami umoorder ng room service?"

"Hindi nga po. Pero utos 'to ni Sir Kyle. Sabi niya, simula ngayon, dalhan namin kayo ng breakfast."

"Si Kyle?" Nalilito ako sa mga nangyayari pero nilakihan ko na rin yung bukas ng pinto at mabilis na pumasok yung staff at inilapag sa lamesa yung tray. 

"Enjoy your meal!" Masiglang sabi niya bago umalis.

What? Lumapit ako dun sa tray at inalis ko yung takip. Bumungad sa'kin ang mga pagkaing pangbreakfast (hot chocolate, pancakes, waffles, at iba pang pastries) na parang pwede ata sa apat ng tao. Seryoso. Ano 'to?

Lumabas si Lyra sa banyo at tumingin doon sa pagkain. "Wow, breakfast! Ano 'yan, libre?"

"Hindi. Utos daw ni Kyle?" Why is he giving us breakfast pagkatapos niyang hindi na ulit magparamdam simula nung tumawag siya sa'kin, saying that he'll see me in two weeks? It's been five days since then. Tapos ngayon, biglang may dumating na pagkain galing sa kanya.

"Ah, dahil ata sa sinabi ko nung tumawag siya---oops, hindi ko dapat sinabi yun."

"Tumawag sa'yo si Kyle?"

"Ugh, secret dapat yun eh. Pero since nadulas na ko, well, yes. Kinakamusta ka niya sa'kin. Kung kumakain ka daw ba ng maayos. Tapos sinagot ko siya na kumakain ka ng maayos except na hindi ka kumakain ng breakfast. And I guess, eto, binigyan ka niya ng breakfast."

"Ano?" Napakagulo talaga kahit kailan ng Kyle Villanueva na 'yun! "Yung lalaking yun..." I took my phone and dialled his number. Akala ko nung una,  hindi siya sasagot dahil nga sa limang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa'kin but he answered on the third ring.

"KS. Kumain ka na ng breakfast?" 

"Wha---what's with the KS?!" Pero parang uminit yung buong mukha ko nung marinig kong tawagin niya ko ulit na ganon. And it also reminded me about how we met for the second time.

"Wala lang. Namiss ko 'yun. Remember? That was our fake endearment?" 

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon