Chapter 32: "May past kayo?"

6.8K 212 20
                                    

Chapter 32 

 

"Gusto ko yung hairstyle mo, George!" Sabi ni Lyra sa'kin habang nag-aantay kami na magsimula yung orientation namin.


Automatically kong hinawakan yung buhok ko. Halos isang taon na ring minemaintain ni Tanya ma ganito yung buhok ko, hanggang balikat yung haba at kulay reddish-brown. Sabi kasi ni Tanya, tutal hindi naman daw ako mahilig magsuklay at lagi lang nagugulo yung buhok ko, mas maganda daw na magpaikli na lang ako kaya ginupitan niya yung mahaba kong buhok noon.


"Thank you. Si Tanya yung nag-aayos nito."


"So maganda rin pala yung fashion sense ni Nathan." Lyra sighed dreamily.


Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Uh, Lyra, tutal roommate naman kita... may dapat ba kong malaman tungkol sa'yo?"


"Huh?"


"May tama ka ba sa utak?" Pabiro kong sabi sa kanya.


"Gagi! Syempre, wala no! Sa ganda kong 'to?"


Tumawa ako. "Bading si Tanya. Mas malandi pa sa'yo yun."


"Che! Panira ka naman ng pangarap."


"Pangarap mo magkaboyfriend na bading?"


"Hindi. Pangarap kong magkaboyfriend ng ganon kagwapo! Hihihi." Tumawa si Lyra na parang kinikilig siya.


Oh well. I tried to warn her.


"Speaking of gwapo, alam mo ba, may kakambal pala si GM! Kaso nasa medschool yung kambal niya at wala pa daw interes sa mga business nila kaya sya yung pinagmamanage ng parents niya ng lahat."


"Hm, kambal?" Parang si... parang si Kyle. Silang dalawa ni Kurt.


Nilaro-laro ko yung ballpen ko. Bakit kaya ganon? Nitong mga nakaraang araw, ang daming nagpapaalala kay Kyle sa'kin. And to think that for the past four years, naputol na lahat ng kaugnayan ko sa kanya. And I can honestly say that it's been awhile since I last thought of him. I'm over that phase na puro siya lang yung tumatakbo sa isip ko. I've long accepted that he's someone that I may never see again.


Even though I never fell in love again after him... Pero masyado lang siguro akong naging busy, masyado akong naging focused sa pag-aaral ko.


"Good afternoon, interns!" Dumating yung HR manager at nagsimula siyang magsalita sa harap.


Kinuha ko yung ballpen ko at nagsimulang magtake ng notes. Inexplain nung HR manager kung ano ang bawat department sa hotel na 'to at kung ano ang ginagawa ng bawat isa. Sinabi rin niya kung kanino kami magrereport bukas para sa unang araw ng internship namin.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon