Dedicated to youuuu ♥ Isa ka sa mga pinakanakakatuwang reader. Thank you! ^O^v
Chapter 3
6 months later...
(George's POV)
"Georgeeeee~" narinig ko yung mataas at matinis na boses ni Tanya pagpasok ko ng canteen ng building ng course namin. BS Economics ang course ko. Nagtransfer ako, si Andrew at si Tanya sa school ni Kuya Cedric, ang SCA. Ngumiti ako at umupo sa table kung saan siya nakapwesto. "Ay, ang taraaaay! Sinetch ka? Anong ginawa mo kay bestie ko?!" Nakataas pa yung kilay niya nun ha. Hahaha.
"Sapakin kaya kita, Tanya? Sinasabi mo dyan? Hahaha."
"OH NOES. Wag ateng! 'To naman, chos lang yun eh. Hahaha." Tinignan niya mula head-to-foot sabay ngiti. "Babaeng babae ka na! Anyare sa bestfriend ko nung highschool na tomboy?"
"Di naman masyado. Grabe ka!" Tapos sinapok ko yung braso niya.
"Ouchie! Ang sakit mo pa ring manuntok!"
"Sabi sa'yo eh." Tapos ngumisi ako.
"Pero serious teh, blooming ka! Ayan oh, may flowers na sa background mo. Nagsparkle pa yung eyes mo! Oha! Tapos, talbog mo na ang beauty ko! At infairness, kilala mo na ang suklay ngayon! Hahahaha." Pabiro akong umirap kay Tanya pero hindi ko napigilan mapangiti. Tama siya, ang laki na ng pinagbago ko simula nung highschool. Boyish pa din ako, pero nag-aayos na ko ngayon. Hindi na rin ako nagsskateboard masyado. Paminsan minsan na lang pag stressed talaga ako. Ang hindi na lang siguro nagbago ay yung hilig ko sa basketball.
"Ay! Malelate na aketch sa class ko. Sige George ha, gogora na ko!" Tumayo si Tanya at niligpit yung mga gamit niya. "Alam mo bestie, paganda ka talaga ng paganda. Ayan oh? Pak na pak ang beauty mo ngayon! Ang tarush lang. Ganyan pala ang effect ng may boylet, maghahanap nga din ako. Ahihihihi. Vavoosh!" Tumawa siya ng malandi sabay flip ng hair at mala-runway model na lumabas ng canteen. Tinginan nga yung mga tao sa kanya, pano ang gwapo tapos ang lantod lang. Haha.
Naaalala ko tuloy, 6 months ago..
"G-gusto kasi kita!"
"A-ano? Seryoso ka ba?"
"-____- Hindi hindi. Joke lang. Joker ako eh."
"Ahh... okay!" sabi ko tapos nagsimula na kong maglakad palayo. Sa kasamaang palad, tuluyan ng bumigay yung paa ko at natapilok ako at muntik pa sumubsob sa lupa. Huhu.
Nasalo ako ni Andrew. "Engot mo talaga!" tapos pinitik niya pa yung noo ko.
BINABASA MO ANG
TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]
Fiksi RemajaThe Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't get over his unrequited love.Will love be able to work its magic on them?