Chapter 39: "Are you in love with my boyfriend?

7.4K 225 48
                                    

Chapter 39 


(George's POV)


"Hi Gigi!" Masayang bati sa'kin ni Drew mula sa kabilang linya nung sinagot ko yung tawag niya.


"Hey..." Mabagal na sabi ko sa kanya dahil nagulat ako sa sobrang enthusiasm niya.


"Kamusta, Gigi?" Masigla pa ring sabi niya.


"Well, kakatapos lang nung duty ko and now you're creeping me out. What's up with the excessive energy?" Natatawa akong sabi ko.


"Hulaan mo kung san ako pupunta bukas!"


"Um, okay? Saan?"


"Sabi ko hulaan mo eh." Nagtatampo niyang sabi.


I laughed. "Drew, just tell me. Halata namang nangangati ka nang sabihin sa'kin."


"Ang KJ mo talaga, Gigi! O sige na nga, sa Batangas!"


"What?"


"Nagulat ba kita? Nagulat kita no?! Ano, excited ka ba?" 


"Huh? Um, bakit? Kasama mo si Arlene?" May date out-of-town sila agad nung bago niyang girlfriend?


"Hindi may meeting ako sa prospect na investor namin. At nagbook na ko diyan sa hotel niyo!"


"Wow. Really, you're staying here? How long?"


"Three days and two nights, Gigi. Kaya see you soon!" 


I smiled. "Yeah, see you soon. I have a lot to tell you." 


Pagkatapos kong ibaba yung phone, nagbihis na ko ng casual na damit at lumabas na ko ng locker room. Nung mapadaan ako sa restaurant, nakita ko si Kyle na naghihintay sa isang table for two, at may bouquet ng red roses sa tabi niya. 


Para kay Cherrie siguro yun. Hinihintay siguro niya si Cherrie para sa dinner date nila.


"George?" Napamura ako sa isip ko nung marinig ko yung boses na yun. "It is you!"


"C-cherrie..." Lumapit siya sa'kin. Nakabihis siya ng red na dress at elegante yung ayos niya. Patunay lang na sobrang perfect match sila ni Kyle.


"Hey, long time no see! You're an intern here, right? Kyle told me. I actually saw you a while  ago, when I arrived, but you looked like you were busy so I wasn't able to approach you."


"O-oo nga. Um..." Tumingin ako kay Kyle na malayo yung tingin. "Hinihintay ka yata ni Kyle. Uh, mauna na ko—-"

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon