Chapter 4: "No offense, pero gago yung boyfriend mo."

15.2K 244 52
                                    

Chapter 4 

(George's POV)

"George! Huy, Georgina!" Nakaramdam ako ng pagyugyog at nung dumilat ako ay nakita ko si Kuya Cedric na nakaupo sa tabi ng kama ko at niyuyougyog ako ng malakas. As in, MALAKAS. Kung mga ganitong lalaki ang kasama mo sa bahay buong buhay mo, ewan ko na lang kundi ka rin maging maton. Hay, nagpapakababae na nga ako dito oh!

"Tigilan mo nga sa Georgina na yan!" Sinapok ko yung kamay niya at bumangon. 

"Oh? Bakit? Pangalan mo yun." Ngumisi sa'kin si Kuya Ced.

Inirapan ko siya. "Bakit ba? Sabadong sabado, ang aga mong manggising!"

"Boyfriend mo nasa baba." Tumayo si Kuya Ced. "Pinagtutulungan nina Kuya Jed at Kuya Rod." Tumawa si Kuya Ced. "Ikaw din, bahala ka. Baka di na yun makalabas ng buhay dito." Tapos lumabas na siya ng kwarto.

Nataranta ako. Naku! Pinagtitripan na naman ng mga kumag kong mga kuya si Drew! Nagmamadali akong magready at maligo. Tandang-tanda ko pa yung araw na unang pumunta si Drew sa bahay para magpaalam officially na manliligaw siya sa'kin.

"ANO?!" Nagtayuan yung mga kuya ko mula sa pagkakaupo nila sa sofa. Si Papa naman, nakahalukipkip at tinitignang mabuti si Drew na nakaupo sa harap nilang lahat at sinasabing gusto niya ko at liligawan niya ko.

"Mga Kuya, Tito, gusto ko po si George. Sobra. At nangangako akong aalagaan ko siya ng totoo. Gusto ko lang po magpaalam sa inyo. Pero hindi ako nandito para humingi ng permiso, dahil kahit hindi niyo ako payagan.. hindi ako lalayo kay George. Sorry."

"Aba'y gunggong 'to ah--"

"JED!" Sigaw ni Papa kay Kuya Jed na nagsisimula nang humakbang kay Drew.

"Pa! Ano yan! Papayag kayo dito?!" Reklamo ni Kuya Jed.

"Okay. Game." Tumango si Kuya Ced. "Sasapakin ka naming lahat, pag buhay ka pa.. pwede mo nang ligawan yung bunso namin." 

"Uy nice. Gusto ko yan." Ngumisi si Kuya Rod.

"MAGSITIGIL NGA KAYO!" Tumayo si Papa at pinagpapalo sina Kuya ng nirolyong dyaryo. 

"Pa naman! Papayag ka dito?!" Reklamo ng isa sa kanila. Si Kuya Ced ata.

"O? Kayo tatay dito HA?" Lumingon siya kay  Andrew. "Wag mong sasaktan yung prinsesa namin kundi ako makakalaban mo. Mukhang maayos ka naman kaya siya, bahala kayo." Kinindatan ako ni Papa bago umalis ng sala.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon