Chapter 8: "Boyfriend niya ko."

10.5K 227 33
                                    

Chapter 8 

"Good morning!" Nakangiting bati ko kay Kyle nung lumabas siya ng balcony niya na nakabihis na. Nakagray na hoodie si Kyle. Ako naman, nagsusuklay ng buhok. Seryoso, nakakangalay magsuklay ng buhok. Pagod na pagod na yung kamay ko. Bakit yung ibang babae, panay pa rin ng suklay ng buhok nila?

Tinitigan lang niya ko bago ininom yung hawak niyang baso ata ng kape at binuklat yung hawak niyang dyaryo.

May nagbabasa pa pala ng dyaryo? *O*  I mean, bukod sa papa ko. College student lang ba talaga 'tong si Kyle?

"Ano?" Naiirita niyang tanong sa'kin tapos napansin kong nakatitig lang ako dun sa hawak niyang dyaryo. 

Umiling ako at bumalik sa pagsusuklay.

"Yung tanong mo kahapon..." Tumingin ako kay Kyle at nagtataka kung ano ba sa mga tanong ko kahapon yung sinasbai niya. "...oo yung sagot ko."

"Anong tanong ko?"

"Kung gagawin ko rin ba yung desisyon mo kung sa'kin mangyayari 'yun. Oo. Gagawin ko rin." 

Napangiti ako 'don. "Pareho pala tayong baliw."

"Ikaw lang." 

Tumawa ako. "I swear, darating yung panahon na babait ka din sa'kin. Tapos aaminin mong magkaibigan tayo." Tumango tango pa ko. Tutunawin ko ang ice prince na si Kyle Villanueva.

Sinamaan niya ko ng tingin bago lumipat yung tingin nya sa may baba. "Andyan na yung boyfriend mo." 

Napalunok ako at tumingin rin sa baba kung san nakita kong nagpapark yung sasakyan ni Andrew. 

"Bye, Kyle. See you sa school!" Paalam ko kay Kyle pero di niya ko sinagot. Heh, balang araw di mo na ko dededmahin!!

Naabutan ko si Andrew na nasa sala namin at nakikipagtawanan kasama ng mga kuya ko. Hm, nakagray din na hoodie si Andrew.

Yung mga kuya ko.. ano na lang sasabihin nila pag nalaman nila yung set-up namin ngayon ni Drew? Buti na lang iba yung course ni Kuya Cedric at hindi business ad din. 

"Buti naman tapos na 'yung away niyo ni Georgina." Nakangising sabi ni Kuya Cedric tapos inakbayan niya ko. UGH GEORGINA -___-

Binatukan ko siya. "Georgina ka dyan!" Tapos sinuntok ko na rin sa may tiyan. Napa-'ow' lang siya bago tumawa ng malakas. 

"Sige, una na kami." Paalam ni Drew sa kanila bago kami lumabas.

Sa byahe papunta sa school, hawak lang ni Andrew yung kamay ko habang nagdadrive siya. "Hindi mo ba kailangang sunduin si Trixie?" Tahimik kong tanong at isang iglap lang, tense na agad yung atmosphere sa loob ng kotse.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon