Chapter 10
(George's POV)
"I need you to be my date on Saturday."
Napanganga ako sa sinabi ni Kyle. "A-ano? Ha? Haaa?"
Tumawa si Kyle, sa gulat ko. Abaaa, yumayaman sa ngiti 'tong taong 'to ah. "Kunwari lang. Magpanggap tayo sa harap ng mga kaibigan ko."
Nagdududa ko siyang tinignan. "Bakit?"
"Kasi nalaman na nila yung tungkol sa pagsabi ko dun sa court na girlfriend kita. Unless mas gusto mong mabuking kayo, bahala ka." Tapos tinalikuran na niya agad ako at naglakad palayo.
"Eto namaaaan! Joke lang! See you sa Saturdaaay!" Napatigil ako sa pagsigaw sa kalagitnaan nung hallway nung biglang tumunog yung phone ko.
From : Drew Castillo ♥
Date tayo pagkatapos ng klase, Gigi ;)
Napangiti ako agad doon. Hindi ko pa nakakausap si Andrew simula nung mga nangyari kagabi at wala naman kaming parehong klase ngayong araw. Gusto kong klaruhin yung tungkol kay Kyle sa kanya. Marami ng complications sa relasyon namin, ayoko nang mas madagdagan pa ng pagseselos at pagdududa niya kay Kyle.
Agad ding nawala yung ngiti ko nung makita ko 'yung text niya kagabi.
From : Drew Castillo ♥
Wag mo muna akong itext hangga't hindi ako 'yung unang nagtetext sa'yo, Gigi. Nagdududa pa rin ata si Trixie sa'tin kaya nakabantay siya sa phone ko. Wag ka na ring magreply dito. Hintayin mo na lang magtext ako sa'yo ulit.
Gusto ko pa man ding tanungin kung ayos lang siya kasi nag-away pala sila ni Kyle pero kahit 'yun... hindi ko pa pwedeng gawin. Ang galing, di ba? Kabit na kabit na talaga yung dating ko. Kailangan kong manahimik lang sa isang tabi hanggang sa nakatalikod na yung official at maalala ako ni Drew. Then, saka lang ako maaambunan ng konting time at konting pansin.
Syempre, hindi ko gustong maging ganito. Sino ba naman ang magiging okay lang sa second priority, na sinasawalang bahala, na walang kahit anong karapatan na magdemand ng kahit ano at dapat lang makuntento sa kung anong matitira sa'kin.
But still, masaya ako na mamayang gabi, babalik kami kahit papano sa dati ni Drew. Mamayang gabi, kaming dalawa na lang muna yung importante.
* * *
"Nasugatan ka pala." Hinawakan ko yung sugat ni Drew sa labi. Magkahawak kami ng kamay at naghihintay na makaupo kami sa restaurant. Sa mall sa katabing city pa kami pumunta para mas malabong may makakilala sa'min, malabong may makaalam sa sikreto namin, kaya pwedeng kaming magpanggap na normal na couple lang kami.
Ngumiti siya sa'kin at hinalikan yung palad ko. "I love you, Gigi. Tandaan mo 'yun lagi." Sincere yung mga mata ni Drew kaya wala akong ibang ginawa kundi yakapin siya.
BINABASA MO ANG
TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]
JugendliteraturThe Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't get over his unrequited love.Will love be able to work its magic on them?