Chapter 25
Napatingin sa'kin sina Kyle at Cherrie nung tumunog yung phone ko. I checked it out kung sino na naman yung tumatawag sa'kin and mentally cursed Drew when I saw his name on my screen. Bakit ba ang kulit ng taong 'to?
"I-I'm sorry. Di ko sinasadya! Uhm..." Automatic na umaatras yung paa ko dahil gusto ko na lang lumayo sa mga tingin nilang dalawa. Kaso lang, hindi ko napansin at nahulog ako dalawang palapag na front steps ni Kyle. Bumagsak ako sa pwet ko. Napangiwi ako nung maramdaman kong masakit yung balakang ko. Siguradong magkakapasa ako.
"George! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tumakbo papunta sa'kin si Kyle. Nakita kong may galos din ako sa palad ko.
"O-oo. Sorry! Nakita ko kasing bukas yung front door mo at akala ko kung anong meron so chinecheck lang kita---" Tuloy tuloy na sabi ko habang tinutulungan akong tumayo ni Kyle. Nagtama yung paningin namin ni Cherrie na nagpupunas ng luha niya.
Alanganin siyang ngumiti sa'kin. "Hi! I didn't mean to be rude. Ako nga pala si Cherrie, bestfriend ako ni Kyle." Bestfriend? Akala ko sa'kin yung title na yun. Pero pati pala bestfriend ni Kyle, hindi ako.
"Hello. George nga pala. Sorry nakaistorbo ako sa inyo ah."
"Don't worry about it. Inistorbo ko rin si Kyle kaya ako nandito eh!" Tumawa siya. "Your name is George? That's cool."
Habang nakatingin ako sa kanya, medyo naaalala ko sa kanya si Yumi. Medyo magkahawig sila at medyo magkaugali rin. Ah. Eto yung tipo ng babaeng nagugustuhan ni Kyle. Katulad nina Yumi at Cherrie... mabait, medyo mahinhin, masayahin, feminine.. hindi katulad ko na hindi palaayos, panglalaki yung mga hilig, ayos at kilos, nagmumura pa ako at palaaway. In other words, ang tipo ng babae ni Kyle ay ang kabaliktaran ko.
Nahihiya tuloy ako sa mga pinagsasasabi ko kay Kyle kagabi. He doesn't like me after all. No wonder hindi niya masabi sa'kin. Kasi wala naman pala siyang dapat sabihin. He doesn't like girls like me. Isa lang akong malaking assuming. Nag-iilusyon lang ako sa pag-aakalang pareho kami ng nararamdaman.
Tumingin ako kay Kyle, nakatingin siya kay Cherrie. Kumikirot yung balakang ko, yung palad ko, at yung puso ko. Si Yumi at si Cherrie... the girls that Kyle loved before ay parehong nandito. Nanliit ako sa kanila. Ano bang laban ko? Paano nga ba magugustuhan ni Kyle yung tulad ko kung ang laki laki ng lamang nila sa'kin?
"Um... I should go. May pasok pa kasi ako. Mauuna na ko. Nice to meet you, Cherrie. Bye, Kyle." Mabilis akong sabi bago ako tumalikod at naglakad palayo. Narinig kong tinawag ni Kyle yung pangalan ko. I didn't look back.
Nakaliko na ko sa kanto nung magring ulit yung phone ko. Drew's calling again. Hindi na niya ako tinigilan mula kagabi. I answered the phone.
"Andrew, bakit ba---"
"George." Napatigil ako. May babae sa kabilang linya na umiiyak.
BINABASA MO ANG
TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]
Dla nastolatkówThe Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been unlucky in love meets the boy who can't get over his unrequited love.Will love be able to work its magic on them?