Chapter 15: "...ikaw na lang 'yung mag-alaga sa'kin."

9.4K 206 13
                                    

 Chapter 15 

"Baklaaaaaa!" Tili ni Tanya pag pasok niya sa kwarto ko. "Are ye readey?" Sabi niya na may maarteng accent. 

Tumingin ako sa salamin. Nakasuot ako ng isang summer dress at nakaayos yung buhok at mukha ko. Ganito yung klase ng ayos na gustong-gusto ni Andrew.

Sigurado akong magugulat siya pag nakita ako. Hopefully, he'll stare at me. Preferably, sa harapan ni Trixie.

They wanted a bitch na masisisi nila? I'll give them one. All those false rumors na si Trixie mismo yung gumawa? I'll make them come true. I'll show her, kung gano talaga kasakit ang maagawan. Kung gano kasakit 'yung mga ginawa niya sa'kin. She was too afraid na bumalik sa'kin si Andrew kaya mas ginusto niyang sirain ako? Let's see what she does when that actually happen.

And Drew... pagkatapos lahat ng luhang sinayang ko sa kanya at lahat ng sakit na binigay niya sa'kin... I want to show him how it feels like. To be taken for granted, to be a second priority, to be someone na tinatago. I have to do this for the sake of my heart, dahil hindi ko na ata kakayanin yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko kung hindi ko magagantihan si Drew.

Tumingin ako kay Tanya at ngumiti. "Ready." 

"Ang ganda mo lalo, ateng. Paniguradong mababaliw 'yung hayop mong ex pag nakita ka at magsisisi siya na pinakawalan ka pa niya."

"Sana nga. Tara, baba na tayo." 

Pagkababa namin ni Tanya, naabutan kong naghihintay sa'min si Kyle na nakasandal sa kotse niya at nilalaro ang isang bola ng basketball.

Nung mapatingin siya sa'kin, napatagal 'yung titig niya kaya nag-iwas ako  ng tingin. Nacoconscious na naman ako!! Kung yung si Kyle pa lang yung titingin, nahihiya na ko, pano pa kaya pag marami ng tao 'yung nakatingin sa'kin?

"Ay! Wait lang, nakalimutan ko ang aking purse sa kwarto mo, George! Wait a minuteeee." Umalis bigla si Tanya at tumingin ako kay Kyle. Nakatingin pa rin siya sa'kin pero nakangiti na siya ngayon.

"Bakit? M-may mali ba sa hitsura ko?" 

Lumapit siya sa'kin. "Too red." 

"Ha?" 

Hinawakan niya yung pisngi ko tapos.....

O________O

Pinunasan niya yung labi ko gamit yung daliri niya!!!

Sobrang seryoso nung hitsura niya habang ginagawa 'yun at ang intense ng titig niya sa labi ko. Pakiramdam ko tuloy nahihirapan akong huminga. Napalunok ako.

Kalma lang. Kunwari wala lang. Hinga, hinga. 

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon