Childs and Spirits

413 6 0
                                    

Pumasok na ang Home Room teacher ng klaseng iyon at hudyat na iyon ng umpisa ng lahat-lahat.

Ilang segundo rin ata siyang naghintay sa labas hanggang sa tawagin na siya ng butihing guro.

Huminga siya ng malalim bago hinila pa-slide ang pinto ng kwartong iyon.

Nangangatog ang mga tuhod na humakbang siya papasok at huminto sa mismong tabi ng guro at humarap sa mga nakaupong estudyante.

"Siya si Catherine Fruntalio. Mula siya sa europa at lumipat dahil sa trabaho ng kanyang Ama. Be friends with her"

Actually, hindi naman totoo ang "trabaho" thing na sinabi niya rito. Narito siya upang gawin ang mga bagay na dapat niya raw gawin.

Bumuga siya ng hangin at diretsong tiningnan ang bago niyang classmate. Kung ano man ang gawaing dapat niyang gawin... Iyon daw ay malalaman niya pagkatapos ng klase.

"Catherine Fruntalio. I don't know how to speak japanese so it will be difficult for us to understand each other"

Nagbulungan ang mga estudyante. She don't know why pero malinaw niyang naririnig ang mga ito.

Maganda, cute at mukha raw siyang prinsesa... Iyon ang naririnig niyang pinagbubulungan ng mga ito.

"Fruntalio-san, you'll seat will be beside.... Okizawa-san. She's the class representative so you can ask her every time, ne? Okizawa-san?"

Tumango ito at lumakad papunta sa kanya sa harap.

"Catherine-san, this way please" anito sa ingles na may accent.

Itim at makintab ang mahabang buhok nito. Magkasingtangkad lamang sila at napakagaan ng aura nito.

Nagpatuloy na ang bagong buhay niyang iyon bilang estudyante the moment she sit on her chair.

Nasa tapat siya ng bintana kaya preskong-presko siya kahit sumisingaw ang init sa apat na sulok na iyon ng kwarto.

She find it difficult to understand everyone. Naa-out of place siya sa tuwing mag-uusap ang guro at ang mga kaklase niya.

Tumatawa ang mga ito ngunit hindi naman siya maka-relate.

Nakasalung-baba siyang tumingin sa labas ng bintana. Kitang-kita sa view ang malawak na oval at sa gitna niyon nakaukit ang iba't ibang field para sa iba pang sports.

Tirik na tirik ang araw sa kalangitan at mahina rin ang hanging tumatama't pumapasok sa kwarto nila.

"Hangin... Lumakas ka naman" bulong niya.

Bumalik siya ng tingin sa pisara at kasabay niyon ay ang matinding paghampas ng hangin sa bintana.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon