Prologue

633 12 1
                                    

[Jerome's POV]

"Hoy, Jerome! Sigurado ka bang dito nila nakita ang tutang iyon?"

Tamad na nilingon niya ang partner niyang si Lucia.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ito nga iyon?"

Ito na ang pinaka-worst na partner na nakasama niya sa isang misyon.

Silang dalawa lamang sa van na iyon sa madilim na kalsada ng Paris at nag-aabang ng mangyayari.

Kanina pa sila roon. Kaninang maraming tao hanggang sa mawala na ang mga ito.

Kahit naman siya ay bagot na bagot na... Pero wala silang magagawa... Trabaho nilang bantayan ang kalye ng Paris upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan roon.

Suot niya ang headphone at inikot-ikot niya muli ang volume ng sound detector niya. Special gadget to detect those Hoshoku.

Anim na taon na siyang Hunter at hindi na niya mabilang ang mga Hoshoku, vampires at werewolves na napatay niya.

Binagalan niya ang pag-ikot ng volume at tinutok ang sensor sa iba't ibang direksyon... Hanggang sa makarinig siya ng growl, probably a Hoshoku saw its prey.

Naalerto silang dalawa. He took his sword and run outside the van to help the Hoshoku's target.

Sumunod naman ang partner niyang si Lucia hawak ang baril nito.

"Lucia, be careful"

Huli na ng abutan niya ang halimaw. Kumakain na ito at mukhang naramdaman nito ang presensiya nila.

Hinarap sila nito at umungol ng napakalakas, sabay sugod sa kanila.

Hinugot niya ang espada at tinaga ito sa kanang kamay.

Matulis ang espadang iyon na para lamang talaga sa mga halimaw na katulad nito.

Nang aatake muli ito gamit ang kaliwang kamay ay huli na para maabot siya nito dahil mabilis niya iyong nahati.

At dahil tumutubo muli ang mga kamay nito ay pinaputukan na ito ni Lucia hanggang sa matumba ito sa kalsada.

Tinalon niya ito at binaon ang dulo ng espada sa lalamunan nito sabay hiwa.

To kill a Hoshoku, aim for their heads. Head is their blind spot.

Hinihingal na nilapitan niya si Lucia.

"Looks like we're late" nilingon nila ang bangkay ng biktima nito mula sa malayo.

Wakwak na ang katawan nito.

[Daniel's POV]

Hindi kalayuan mula sa dalawang hunters na pumatay sa alaga niya, naroon siya sa bubungan ng isang mataas na apartment at pinapanood sa baba ng kalsada ang dalawa.

Hawak niya ang telepono na nakadikit sa kanang tenga niya.

"I really hate those hunters, nii-san. Should I kill them now?"

"Hold your claws, Daniel. We need to assemble first, our Queen will be awake soon. I have plans to exterminate the remaining vampires and werewolves and that should be our priority for now" ani sa kabilang linya.

"Understood"

"Do you have news for Carl?" Tanong nito.

"Not yet. I can't reach him since our blood brother, Natsume died"

"I see. We also need to prepare, the other Queen will be awake first before Diana"

Sumingkit ang mata niya habang pinapanood ang dalawang tao sa baba.

"Catherine? I will find where she's sleeping and I'll kill her before she awake"

Natawa ang kapatid niya sa kabilang linya.

"Ilang taon na tayong naghahanap sa kanya. More than 100 years na tayong naghahanap pero hindi pa rin natin matunton kung nasaan siya"

"Whatever. I need to avenge Natsume"

"Calm down"

Paano siya kakalma? Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi nangyari ang araw na iyon.

118 years ago to be exact.

Sa taong ito, 117 years ng natutulog si Diana, three more years at magigising na itong muli.

"I'd like to brought up Elena, I heard she's trying to unite her race with the werewolves... That woman, she's crazy" he has this tone of disgust.

Natawa muli ito sa sinabi niya.

"Be careful on Elena. She's the vampires strongest--"

"But no match on us" he interrupt.

"Bahala ka, Daniel"

Binaba na nito ang tawag kaya pinag-ukulan niya na lang muli ng pansin ang dalawa sa baba.

"Someday, you will all perish"

Umihip ang hangin at nawala na siya ng parang bula sa kinatatayuan niya.

Sooner, the world will be filled with blood and fear and see the true power of the Hoshokus.


Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon