Lullaby

340 5 1
                                    

Gusto niyang malaman kung sino ba talaga siya, kung saan siya nanggaling at kung bakit wala siyang maalala.

Iyon ang ilan lamang sa dahilan kung bakit pumayag si Catherine na bumalik sa eskwelahang pinapasukan niya.

To  know the truth..... to uncover every inch of her past.

Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpasyang bumalik sa paaralan.

“Relax and trust yourself, Catherine” encourage sa kanya ni Jerome bago siya pumasok sa gate ng paaralan.

Tumango siya sabay tipid na ngiti upang kahit papaano ay mabigyan ito ng assurance.

“Good. I’m gonna pick you up later”

Pagkatapos niya itong ngitian ay nagpaalam na siya at naglakad papasok. Alam niyang hinahatid siya nito ng tingin kaya hindi siya nagpapakita ng ano mang pangamba.

The moment na makapasok siya sa building ay doon siya napabuntong hininga.

Pumunta siya sa kanyang shoe locker at nagpalit na nang sapatos. Everything is just normal, kahit papaano ay naging komportable naman siya sa ilang mga minuto nang pananalagi niya sa lugar na ito.

Humakbang na siya paakyat ng hagdan.... papuntang classroom at papunta sa kanyang upuan.

Nakita niya kung paano magtaka ang mga kaklase niya at marinig kung paano siya pagbulungan ng mga ito.

Gusto niya sanang isigaw na hindi ba alam nang mga ito na malinaw niyang naririnig ang bawat pag-usapan ng mga ito tungkol sa kanya?

Ang laman lang naman ng bulong-bulungan ng mga ito ay kung bakit bigla siyang nawala at nagpakita sa paaralan.

Matapos kasing mangyari ang “bagay” na iyon sa kanya ay tumigil siya ng pagpasok ng halos isa’t kalahating buwan.

Natakot siyang baka maulit pa iyon at hindi na siya swertehing makaligtas sa susunod.

Napatingin silang lahat sa pagpihit ng pinto sa harap at iniluwa niyon si Okizawa. Automatic siyang nanigas ng makita ang nakangiting mukha nito sa kanya.

Naglakad na ito at tumigil lamang sa harap niya.

“Good Morning” bati nito sa kanya.

Hindi siya nagreply.

Tahimik na umupo ito sa tabi niya at doon na nagsimula ang normal na takbo ng buhay estudyante.

Pinilit niyang kumilos ng normal, pinilit niyang ituon ang isip sa bawat sinasabi ng kanilang mga guro, pero hindi niya magawa.

Nasa gitna siya ng pagtatalo ng takot at pangamba. Para siyang nasa gitna ng madilim na lugar at wala siyang magawa kung hindi pagmasdan na lamang ang mga ito.

Maya-maya ay napukaw ang atensyon niya ng tawagin siya ng kanyang guro. Bumalik ang atensyon niya sa apat na sulok ng silid na iyon at tumambad sa kanya ang mga mata ng mga kamag-aral niya. Lahat ng mga ito ay nagtataka sa ikinikilos niya.

“Are you ok, Fruntalio-san?” tanong sa kanya ng guro sa harapan.

Pinilit niya ang sariling ngumiti rito.

“Should I take her to the school clinic, ma’am?” tanong ni Okizawa.

Syempre nagpanic siya. Tumingin siya sa guro at umiling upang ipahatid dito na hindi siya pumapayag.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon