A Child's Purpose in living

391 6 1
                                    

[Gerald's POV]

Nakakapagtaka naman na ipatawag siya ni Leon sa napaka-higpit niyang schedule.

Napagbigay alam sa kanya ng alagad nito na kailangan niyang pumunta dahil napaka-importante ng sadya nito sa kanya.

Usually, si Leon ang uri ng suitor na masyadong malihim. Very mysterious ang mga kinikilos nito kaya ganun na lamang ang hinala ng kapatid niyang si Daniel rito.

Kung tatanungin naman siya... Wala naman siyang nakikitang makakasama sa kanila. Siguro, ganuon lang talaga ito mag-isip at kumilos dahil narin isa itong lider ng malaking grupo ng taong-lobo at bampira sa murang edad.

Pero hindi rin naman siya dapat magpa-easy-easy... Kailangan niya pa ring matyagan ang batang ito hanggat hindi pa nito nakukuha ang buong tiwala niya.

Sa isang five star restaurant ang venue ng meeting nila.

Sa lahat ng pagkikita nila, ngayon lang siya nito niyayang mag-usap sa labas.

Ang restaurant na iyon ay isang matayog na building, ang main design ay ang ganda ng nature.

Ang bawat disenyo ay gawa sa kahoy at mga bato. Maraming mga punong maayos na nakahilera.

Kung tutuusin ay para itong man-made forest na indoor.

Sa paglalakad niya sa maaliwalas na pasilyo, dinala siya ng receptionist sa harap ng malaking pinto.

Napapikit pa siya ng buksan iyon at sumilay ang liwanag.

Isang malawak na garden na may fountain sa gitna ang sumalubong sa kanya. Everything is luxurious. Humakbang siya papasok at isinara na ang pinto.

Tahimik ang buong paligid, nasorpresa pa siya ng humuni at magsiliparan ang mga ibon sa paligid.

“So it has also birds, how nature like” aniya na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga itong nagliliparan sa paligid.

Napukaw ang atensyon niya ng may marinig siyang boses sa may bandang likuran niya. Pinakinggan niyang mabuti at hinanap kung saan nanggagaling ang boses nito, hanggang sa makumpirma niyang nanggagaling iyon sa fountain... wala siyang makitang tao kung kaya’t lumapit siya at baka nasa likod lang ito ng nakatayong istatwa sa gitna ng fountain.

Medyo napapangiti siya habang palapit siya ng palapit dahil sa nagsisidapuan ang mga ibon sa fountain. Gusto talaga siguro ng mga ibon ang boses nito.

Nang makalapit siya ay malinaw na niyang naririnig ito. Isang babae ang nakita niyang nakaupo sa kabilang bahagi ng fountain at nakatalikod sa kanya.

Mahaba ang lavender na buhok nito at nakasuot ng magarang puting dress. Itinaas nito sa ere ang kanang kamay at pinadapo ang ilang mga ibon rito. Inilapit nito pagkatapos ang mga ito sa mukha at kinantahan.

“Kokoro ni saku omoi wa anata ni todoki masuka (Do my feelings that bloom in my heart reach you)

Hoshi ni inoru negai wo kanade ruwa koi no uta (With my wish I pray to the stars, I play the song of love)

LA-LALALALA

LA-LALALALA .....”

Tumagilid ang mukha nito kung kaya’t nagkaroon siya ng tyansang masilip ang kahit na ang side view lamang nito.

Nakangiti ito sa mga ibong nakatingin rito habang nakadapo sa sariling kamay ng makita siguro siya nito sa gilid ng mata.

Mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo at nahihiyang humarap sa kanya. Nagsiliparan nang muli ang mga ibon palayo rito at nagtago sa mga sanga ng mga puno sa paligid.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon