A Surprise Attack

198 3 3
                                    

Maaga pa lang ay inihanda na ni Catherine ang sarili maging ang bahay ni Jerome. Ngayong araw kasi darating roon si Diana kasama ang kambal nito.

Dahil sa napagdesisyunang pagsamahin sila ni Diana sa iisang lugar, dito tuloy sila magkakasama.

Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang nangyari sa pagitan ni Jerome at ni Diana. Na ito ang mga magulang ng kambal.

Naisip niya ring mas mabuti nang ngayon pa lang ay magkaayos ang dalawa bago magsimula ang nagbabadya na namang labanan.


Hindi pa siya nagigising ay umalis na kaagad si Jerome upang magtungo sa headquarters ng mga Hunters ngunit babalik rin ito maya-maya lamang.

Natapos na niyang linisin ang pinakahuling parte ng bahay, ang banyo, ng biglang tumunog ang doorbell. Agad niya itong pinuntahan para buksan.

Maski siya ay sabik na sabik na makasama ang kapatid niya. Although, alam naman niyang hindi niya ito talagang biological sister... bilang iisang uri ng dugo, they're siblings in blood.

Nasilayan niya kaagad ang mukha ng kapatid.


"G-good morning" nahihiya pa nitong bati sa kanya.

Ito na marahil ang kauna-unahan nilang pagsasama sa iisang bubong na hindi palitan ng mga atake, paghahangad na mapatay ang isa't-isa ang gagawin nila kundi ang maprotektahan ang bawat isa.

Nawala ang hiya nito ng patakbo ang kambal nitong pumasok sa loob.

Ngumiti na siya at iniuwang ang pinto upang anyayahan itong pumasok.



>Jerome's POV<

Umalis siya ng bahay ng maaga, hindi dahil sa kailangang makarating siya ng maaga sa HQ. Ito'y upang maiwasan si Diana.

Hindi niya ba alam kung bakit, pero ayaw niyang makita ang mukha ng babaing naglayo sa kanya kay Catherine.

Hindi lang ito, ayaw niya ring makita ang kambal na nagmula rito. Paano niya haharapin ang mga itong hindi niya naman kagustuhan ang nangyari?

Magagawa niya bang itakwil ang mga ito? Papaano na lang kung kusang lumapit ang mga ito sa kanya? At hanapin ang pagiging ama sa kanya?

Ano'ng maaari niyang gawin? Ano ang dapat niyang itungo sa mga ito.

Sa buong buhay niya'y ang lahi ng mga ito ang tinutugis niya. Kahit na pati siya'y nabiglang malamang kalahating bampira siya'y hindi niya matanggap.

Ngayon pa kayang nagkaroon siya ng kaugnayan sa mga Hoshoku?


Natigil siya sa pag-iisip ng mawalan na siya ng hihigupin sa kape niya. Naglabas siya ng pera at iniwan sa mesang inokupahan niya.

Wala na siyang pupuntahan pa kaya uuwi na siya. Bahala na kung ano man ang mangyari mamaya.


Nakarating siya ng bahay pasado alas-nuwebe ng umaga. Hindi pa siya nakakalapit sa bahay ay naririnig na niya ang ingay ng dalawang batang naglalaro sa loob ng kanyang bahay.

Lumakas pa ang ingay ng mga ito ng makapasok na siya.


Mula sa kusina ay sinilip siya ni Catherine.

"Ohayou, onii-san!" bati nito sa kanya.

Tumayo na ito sa mesa at hinila ang kasama nito roon.

Nawala sa pagkakatago sa pader na naghahati sa kusina at sala ang babaing kasama nito. Si Diana iyon. Pare-pareho ang disenyo ng damit nito at iisa lamang ang kulay, berde.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon