Mark Leon Part 1: Homeless Kid

243 6 1
                                    

This chapter will revolve around Mark Leon’s past......

__________________________________________________________________________

Pinanganak si Mark leon sa isang simpleng pamilya. Nakatira sila sa isang liblib na bayan na malayo sa kabihasnan.

Leon is a mere human on that time.

Masaya siyang namumuhay kasama ang kanyang mga magulang at bunsong kapatid na babae.... ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago sa loob lamang ng isang gabi.

[Leon’s POV]

Kahit na nasa liblib na lugar na ang kanilang bayan, nakaabot pa rin sa kanila ang balita ng pagsalakay ng mga bampira sa mga tao.

Sa panahong ito, ang mga kakaibang nilalang ay totoo at tunay nga namang pinaniniwalaan ng mga tao. Ang mga mangkukulam, diwata, duwende, sirena, bampira at kung ano-ano pang mga nilalang na binabalutan ng misteryo ay kanilangpinaniniwalaan.

Dahil nga sa mga bali-balitang pagsalakay ng mga bampira ay agad naman silang naniwala.

Naalerto ang buong bayan ng malaman nilang halos lahat ng pinakamalapit na bayan sa kanila ay pawang naging abandunadong lugar dahil sa mga nilalang na iyon.

Dahil nga sa lokasyon ng kanilang tirahan, naisipan ng pinuno ng kanilang bayan na sila’y lumikas. Ngunit ng mismong araw ng kanilang paglisan sa lugar na iyon ay doon na pala nila mararanasan ang impyerno ng buhay nila.

Sa murang edad ay nasaksihan iyon ni Leon. Naabutan sila ng paglubog ng araw at hindi man lang sila nakapaghanda sa pagsulpot ng mga nilalang sa paligid ng kanilang bayan na lahat ay nakaitim.

Ang sumunod na nangyari ay nasaksihan niya kung paano sumunod ng walang pagtutol ang mga kanayon sa nais ng mga kakaibang nilala na iyon.

Bata, matanda, lalaki man o babae ay maayos na naglipon sa sentro ng kanilang bayan.  Kahit ang kanyang mga magulang kasama ang kanyang bunsong kapatid na babae ay sumunod sa mga ito.

Nagtataka siya kung ano ang nangyayari sa mga taong to noong una, nakatago siya sa iskinita at saksi siya sa lahat ng nangyayari ng gabing iyon.
Saksi siya kung paano mawalan ng buhay ang bawat isa sa kanyangn mga kaibigan at kanayon.

Nagmistulang Blood bank ang lugar na iyon ng gabing iyon. Nawalan na siya ng lakas ng loob na manood sa mga ito ng sumunod nang biktima ang kanyang pamilya.

Napatakbo siya pauwi sa kanilang munting bahay. Isiniksik niya ang kanyang sarili sa sulok ng kanilang bahay. Natatakot siya, hindi niya mapigilang maiyak at ang lakas ng kalabog ng kanyang dibdib ang lalong nagbibigay sa kanya ng takot at masamang pangitain.

Doon niya naisip na baka iyon na ang katapusan niya.

Saglit siyang napatigil ng magliwanag ang labas ng kanilang bahay. Tumayo siya at dali-daling sinilip kung ano ang nangyayari sa labas.

Nilalamon na ng apoy ang kabahayan. Malamig ang gabing iyon ngunit pawis na pawis siya. Hinihingal na siya habang nakasilip sa paglamon ng apoy sa mga bahay ng biglang sa mismong sinisilipan niyang butas ay may sumilip ring pares ng pulang mata mula sa labas!

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon