Fulfillment

198 6 5
                                    

Nagising si Catherine matapos ang lahat ng nangyari sa paaralan, anim na araw ang nakalilipas. Hindi niya alam ngunit parang may aura sa paligid ang nagpagising talaga sa kanya.

Nakita niya ang sarili sa isang tahimik na silid sa ospital na nababalutan ng liwanag ng araw ng umaga.

Matagal siyang natulala sa kawalan ng may pumasok sa kwarto niya. Nurse iyon at nagulat ng makita siya.

"Catherine, mabuti naman at gising ka na" bati nito.

Pamilyar ang mukha nito sa kanya kung kaya't nalaman niyang nasa ospital siya ng Hunter's Organization.

Inumpisahan nito ang pagche-check sa buong katawan niya at maya-maya lamang ay umalis rin ito kaagad.

Tumayo siya sa kama at napatingin sa damit na naka-hanger sa kaliwang bahagi ng pader. Blouse iyon na itim na may kasamang itim na palda.

Batid niyang nakalaan ito sa kanya kung kaya't dali-dali niyang hinubad ang damit na pang-ospital at isinuot iyon.

Saktong katatapos niya pa lang ilaso ang buhok niya ng maramdaman niya ang sariling presensiya sa labas ng kwarto. Ngayon niya lamang na ramdaman ang presensiyang ito, kaparehong-kapareho ng sa kanya ngunit may halo lamang na isang pamilyar na aura.

Nahagip ng kanyang pang-amoy ang pabango nito sa katawan.

Napatigagal siya ng makilala ang amoy na iyon. Agad siyang tumakbo palayo ng salamin patungo sa pinto. Pagkabukas niya niyon ay tumambad sa kanya ang lalaking nagmamay-ari nga ng amoy na ito.

"K-kuya..."

Si Jerome iyon suot ang pormal na itim na amerikana nito. Maputla ang balat nito ngunit bakas sa mata nito ang buhay.

Sa sobrang tuwa niyang makita ito ay napalundag siya at mahigpit na niyakap ito.

Matangkad si Jerome kung kaya't hanggang dibdib lang siya nito. Ikinulong niya ang mukha sa matigas nitong dibdib.

"Nag-alala ako sa iyo... a-akala ko... akala ko..." hindi niya maapuhap ang sasabihin ng maalala ang huling nangyari kasama ito. Ang muntik na nitong pagkawala sa harap niya.

"Shhhh"

Natigil siya sa paghikbi ng himas-himasin nito ang ulo 't buhok niya. Ginantihan din siya ng yakap nito.

"Hindi mo na ako kailangan pang-alalahanin. This time, for sure, I'll protect you"

Medyo nagtaka siya sa tono ng sinabi nito kaya napatingin siya sa mga mata nito. May nagbago nga rito. Nagbago ang lahat sa pagkatao nito, at nakikita niya iyon sa mga mata nito.

"K-kuya....?"

Niyakap ulit siya nito kaya nabaon siya sa bisig nito. Nagtataka na siya sa mga ikinikilos nito. Iba na ang turing sa kanya ng Kuya niya at iba na rin ang nakikita niya sa bawat kislap ng mata nito sa kanya.

Epekto ba ito ng pagiging suitor nito?

[Marco's POV]

Kasama ng buong pwersa ng mga taong-lobo, bampira at ng mga Hunters, nagsama-sama sila upang masaksihan ang nahuli nilang eksperimento ni Leon.

Nasa isang Hall sila kung saan nasa palibot ang mga upuan at may malawak na bakanteng espasyo sa gitna... para itong isang Dome.

Ang isa sa mga nahuli nila ay nagngangalang Mei Okizawa. Isang Child sa eskwelahang pinapasukan ni Catherine sa parehong klase at silid.

Si Mei ay nasa isang facility ng organisasyon at inoobserbahan pa lamang ng mga espesiyalista. Samantalang ang ipapakita sa kanila ngayon ay ang tinatawag nilang Complete Child.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon