Half-Moon

325 5 0
                                    

Masyadong naaliw si Catherine sa pakikinig sa boses ng babaeng kumakanta ng gabing iyon.

Sa sobrang paghanga niya rito ay nakalimutan niya ng panandalian ang mga nangyari kanina.

"Salamat uli sa tulong mo kanina" aniya na nakatingala na lamang sa mga sanga ng malaking punong iyon.

"Walang anuman. Maaari mo akong bisitahin sa kahit na kailan mo gusto" tugon naman nito sa kanya.

Humakbang na siya patalikod dito ng makakita siya ng isang paparating.

Nang makita siya nito ay bahagya itong nagulat sa kanya ngunit ngumiti rin naman pagkatapos.

"Maaari ko bang malaman kung bakit ang isang binibini ay nag-iisa sa madilim na lugar na ito sa kalagitnaan ng gabi?"

Kung ibabase niya ang suot nito ay malamang ay isa itong tagapangalaga ng shrine o di kaya ay isang priest, nakasuot kasi ito ng kimono.

Hindi niya naman masabi ang nangyari kanina kaya sinabi niya na lang na nagdasal lamang siya.

"Alam mo ba ang kwento ng sagradong punong iyan at ng shrine?" Tanong naman nito.

Sa totoo lang, ngayon niya lang naman nalaman na may ganitong uri ng shrine sa tuktok ng bundok na ito sa kanilang bayan

"Ang bundok na ito ay napakasagrado. Sa sobrang sagrado nito ay walang sino man sa mga tao sa bayan ang nakakaakyat rito"

Medyo nagkaroon siya ng interes sa sinasabi nito dahil na rin sa boses ng babae kanina at sa pagsilaw ng puno upang itaboy ang humahabol sa kanya kanina.

"Ang shrine ay naglalaman ng sirang istatwa ng isang bata. At ang punong iyan ay pinamamahayan ng isang itim na diwata"

Napalingon siya sa puno sa huling sinabi nito. Doon lang siya hindi naniwala, sa sinabi nitong itim na diwata ang nagligtas sa kanya.

"Ano'ng kinalaman ng punong pinamamahayan ng diwata at ng shrine na naglalaman ng istatwa ng bata sa pagiging sagrado ng lugar?" Tanong niya.

"Ang istatwa ng bata sa loob ay ang isa sa mga pumoprotekta sa itim na diwata noon. Ngunit pinatay siya... Iyon ay sa pamamagitan ng pagiging istatwa nito"

Naramdaman niya ang lungkot sa mata at boses nito ng ikwento ang tungkol sa istatwa.

"S-sino naman ang gumawa niyon sa bata?"

Sa tanong niyang iyon tumingin ito sa kanya ng napakaseryoso. Nakaramdam siya ng galit sa mga mata nitong nakapako sa mata niya. Pero nahaluan rin naman iyon kaagad ng lungkot.

"Ang tinatawag nilang puting diwata, ang nag-iisang kapatid ni Diana"

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon