The Cursed Blood

279 6 1
                                    

Matapos bumalik ang dati sa lahat, agad na tumakbo si Catherine papunta naman sa kinalalagyan ni Lucia.

Kinakabahan siya. Malayo pa lang kasi sa babae ay hindi na niya marinig ang tibok ng puso nito.

Sa sitwasyong iyon, agad na rumispunde ang mga taga-organization upang aksyunan ang nangyari. Lahat kasi ng naapektuhan ng pagyeyelo ay nawalan ng malay at kung hindi maaaksyunang kaagad ay baka mauwi sa maagang pagkamatay.

Nang makalapit siya kay Lucia ay ineeksamin na ito ng mga spesialista.

“A-ano pong lagay niya?” tanong niya sa mga nakaputing nakapalibot sa babae.

“We need to take her to our hospital, we might save her life”

Nagulat siya sa mga sinabi ng mga ito sa kanya. Tumikhim siya bago humakbang palapit sa mga ito.

“I’ll take her” boluntaryo niya.

Nagulat ang mga ito sa sinabi niya ngunit pumayag naman ang mga ito. Itinuro niya ang pinanggalingan niya upang matulungan naman ng mga ito ang kuya niya.

Binuhat ng mga ito ang malamig na katawan ni Lucia at ipinatong sa likod niya. Piggyback. Huminga siya ng malalim at nag-concentrate.

Inalala niya kung paano niya ginagamit ang kapangyarihan noon. She closed her eyes and felt the air. Dumilat siya and that moment, her glowing eyes begun to showed up.

And the moment after, nawala siya sa paningin ng mga ito.

[Elena’s POV]

Nung mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang anak ay agad din siyang nagpunta sa ospital, ngunit si Jerome at isang Hoshoku lamang ang naabutan niya.

“Where is my daughter?” tanong niya sa doctor na nag-asikaso sa dalawa.

“She‘s in the rooftop”

Nagtaka man siya ay pumanhik na siya pataas.

Doon niya naabutan si Catherine na nakatingin sa kalangitan habang nakaupo sa semento. Gabi na ngunit kadiliman lamang ang nakabalot sa kalangitan.

Lumingon ito sa kanya, nabasa niya ang malungkot na emosyong nakapinta sa mukha nito. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa tabi nito.

“May problema ka ba?” tanong niya rito.

Hinarap niya ito at sinuklay ang mahaba nitong buhok gamit ang kanyang mga kamay.

“May malaking kasalanan po ako kay kuya, at may malaking utang na loob po ako kay Lucia”

“Ligtas na ang Kuya Jerome mo. Ginagawan naman ng paraan ng mga doktor upang iligtas si Lucia”

Hindi parin nakapagpakalma sa dalaga ang mga sinabi niya.

Niyakap nito ang mga tuhod at nag-iiyak.

“I made him...... J-jerome is dying... I-i don’t know what to do.... so... so I gave him my blood”

Natigilan siya sa narinig rito. Her daughter made Jerome as her followers... as a suitor!

Gusto niyang ipakita ang pagkabigla ngunit mas pinili niya na lamang na manahimik. Lalo lamang bibigat ang loob ni Catherine kung ipapakita niya ang ganuong reaksyon.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon