Attack of the Immortals

304 5 1
                                    

A/N: Sorry to be this late.....

_______________________________________________________

[Raniela’s POV]

Kasalukuyan silang nagtatago sa isang sulok ng eskinita sa harap mismo ng isa sa mga branch ng kompanyang pagmamay-ari ng mga Hoshoku.

Ang dahilan kung bakit sila wala sa kampo nina Lucas ay dahil nahati sila sa dalawang grupo. Not totally dalawang grupo ang hati. Sila ang mismong gumawa ng grupo upang pigilan ang lahat ng operasyong ginagawa ni Leon na patago.

Ibig sabihin, ang grupong kasama niya ngayon ay ang lihim na grupo ng natitirang pwersa ng mga immortal upang tugisin ang mga Hoshoku. Ang tawag sa kanila ay “Shadow Fangs”. Binubuo sila ni Marco, na tumatayong pinuno.... siya, si Reyna Yukiko at si Kazumi the Knight. Apat lamang ang bilang nila ngunit marami na silang laboratoryong nasira na pagma-may-ari ni Leon.

Doon nila natuklasan ang mga ginagawang immoral na mga eksperimento nito sa mga tao, bampira at mga taong-lobo. Doon din nila natuklasan ang mga eksperimento nitong mga CHILD.

At ngayong araw na ito, plano nilang tuluyang pabagsakin ang mala-demonyong si Leon. Akala pa naman nila ay magiging kakampi nila ito, ngunit hindi pala. Ang pinagtataka lang nila, ano pa ang saysay ng pagtulong nito noon sa kanila laban sa kanyang lahi?

Masyadong pabago-bago ang takbo ng isip ni Leon kung kaya’t hindi siya dapat pinagkakatiwalaan.

Naalerto silang lahat ng lumabas sa gusali ang target at sumakay sa puting sasakyan. Ang plano nila ay ambush-in ito sa may malapit na intersection sa mismong gitna ng tokyo, at tapusin na ang kademonyohan nito.

Ang isa pang pinagtataka nila ay napanatili nitong loyal ang mga knightmares rito, kahit na ang mga ito ay binubuo ng mga bampira at mga taong-lobo.... paano ng mga itong nasisikmura ang mga gawain ni Leon? Paano ng mga ito natatagalang magpaalipin sa isang Hoshoku?

Kumilos na sila ng malapit na ito sa intersection. Aatakihin nila ito kahit na maraming tao roon. Hindi na nila dapat pang pakawalan si Leon, ilang taong na nilang hinahanap ang lalaking ito, at itong araw na ito ang unang beses... kaya dapat ay ito na ang gawin nilang huli.

Mabawasan man lang ang mga suitors ni Diana ay makakahinga na sila ng maluwag.

“Raniela, salubungin mo ang sasakyan” utos sa kanya ni Marco na nasa likod niya lamang.

“Sige”

[Leon’s POV]

Kakatapos lamang niya sa isang meeting sa isa sa mga branch nila. Pagkalabas niya bago siya makasakay sa sasakyan ay may kakaiba na siyang naramdaman sa paligid.

Nasa loob na ng sasakyan si Karen, ang kanyang kanang-kamay ng tanguin niya ito at sabihin ang plano nila.

Tinurukan niya ng pampatulog ang sarili at doon na siya nawalan ng malay.

Leon’s power is to make dreams into reality, including the nightmares. Kaya kailangan niyang makatulog bago makipaglaban. Ngunit hindi niya kailangang lumaban ng tulog dahil ang isa pa sa mga abilidad niya ay lumaban gamit ang katawan niya sa kanyang panaginip.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon