Brothers Comeback!

195 8 3
                                    

Hindi inaasahan ng lahat na mangyayari ang ganung bagay noong umagang iyon. Hunter’s Organization cannot believe that their enemy is now on their main building!

Pasado alas-otso ng umaga ng makapasok sa building si Diana kasama lamang ang kanyang suitor na si Gerald.

Noong una, naalerto ang lahat ng empleyado. Tinutukan ng baril ang dalawa ngunit sinabi din ni Gerald na hindi sila nagpunta roon upang makipaglaban.

Ang lahat ng tao kabilang na ang mga immortal ay naiwan sa corridor nang tulala matapos madaanan ni Diana. Sadyang hindi sila makapaniwalang nasa harapan nila ang Reyna ng mga Hoshoku, nasa harapan na nila ngunit dinaanan sila ng hindi man lang nagalusan.

[Diana’s POV]

Batid niyang malaki ang takot ng lahat sa kanyang presensiya, hindi niya man makasisiguradong ligtas siyang makakalabas ng kuta ng mga “dating” kalaban, gagawin niya pa rin kung ano ang dapat.

Gagawin niya ito para sa lahat at para sa kanyang kambal.

Handa siyang itigil ang laban na matagal na niyang ginagawa. Hindi man siya nabuhay upang magkaroon ng kapayapaan, pipilitin niyang magkaroon ng katahimikan.

Nang tanungin ni Gerald ang sekretarya kung na saan ang pinuno ng organisasyon ay itinuro sila sa dulo ng pasilyo kung saan naroroon ang isang malaking pinto.

Nang buksan nila iyon ay tumambad sa kanila ang isang malawak na kwarto o mas magandang tawaging isang dome.

Kung hindi siya nagkakamali, ito ang lugar kung saan ginaganap ang eksekusyon ng mga katulad niya.

Sinalubong sila ng ilang mga hunters, bampira at mga taong lobo.

“Paraanin niyo sila” narinig niya ang boses ng lalaki sa ilalim ng liwanag ng araw na pumapasok sa bintana.

Nang makalapit sa kanila ay nakita niya si Elena, ang maaring lider ng mga hunters, si Marco at syempre, ang kapatid niya.

Inunahan na niya ng isang matamis na ngiti ang bawat isa sa harap niya. Batid niyang hindi natutuwa nag mga ito sa pagbisita niya, ngunit wala siyang magagawa.... siya ang kalaban kaya dapat lang anuon ang gawing pagbati ng mga ito.

Matapos niyang ngitian ang mga ito’y lumapit siya kay Catherine. Noong unang mga hakbang niya ay siya namang paghakbang nito patalikod, pero mas binilisan niya ang paglalakad kaya naabot niya ang mga kamay nito.

“As I thought, you don’t want to see me... same as before, oneechan”

Nagulat ito sa sinabi niya pagkatapos ay nagiba na lang ng tingin upang makaiwas sa mga mata niya.

“A-ano bang kailangan mo?” naiilang na tanong nito sa kanya.

Lumayo siya ng kaunti at binitawan ang kamay nito. Hinarap niya lahat ng pinuno ng kanyang mga kalaban.

“We would like to end this war”

Napatigagal ang lahat sa sinabi niya.... sabay ang mahaba-habang katahimikan.

“E-end this war....? What is the meaning of this, Diana?” tanong ng lider ng mga hunters, si Almon.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon