Elena's Return

531 9 1
                                    

{120 years later}

Iba na ang panahon ngayon. Kung dati ay mas nakakalamang ang malalawak na lupain na hindi pa natitirhan ng mga tao... Ngayon ay kakaunti na lamang ito.

Kung dati, ang mga tao ang nasa ilalim ng "Food Chain", ngayon ay hindi na.

Hindi man sila nasa taas, masasabing nasa labas sila nito.

Sa pag-unlad ng mga kagamitan kasabay ng walang tigil na paglawak ng kaalaman ng tao, ang mga ito na ngayon ang makapangyarihan.

Sa kabilang banda, ang dating mga kinatatakutan ay nagsipagtago na sa kani-kanilang mga lungga upang mabuhay.

Sa nangyaring pakikipagkampi ng mga taong-lobo sa mga tao noon upang palakasin ang kanilang hukbo, naging daan naman iyon upang mas maintindihan ng mga mortal ang pamumuhay nilang mga immortal.

Ang weakness at lahat na may kinalaman sa kanila ay natutunang gawing panlaban ng mga ito sa kanila.

Werewolve's weakness is silver, dahil doon ay nagkaroon ng mga silver weapons laban sa mga ito kabilang na ang mga silver bullets.

Vampires' weakness is fire... Hindi kayang gumawa ng sariling apoy ang mga mortal ngunit nakaimbento sila ng mga sandatang para sa mga ito at isa na lamang ay ang kuntawagin ay Flame arrows--mga palasong nagliliyab ang patalim sa apoy.

Dahil sa natutong lumaban ang mga mortal, isinilang ang magpoprotekta sa mga ito.... Iyon ay ang tinatawag na mga hunters.

Ngunit sa panahon ngayon, dahil kampante na ang mga tao na hindi na banta sa mga ito ang existence ng mga nasabing nilalang, napagpasyahan ng mga itong  ilihim na lamang ang tungkol sa mga ito.

Ngunit dahil sa malikot ang pag-iisip ng ibang mga tao... Ang lihim ay unti-unting nabubunyag kung kaya't ito ay nagmistulang mga kwento na lamang o kaya ay panakot sa mga bata.

Ang Hunters ay isang secret organization na nagbabantay ng katahimikan sa bawat lugar sa buong mundo.

Nabuo ang organisasyon ng sumulpot ang mga Hoshoku.

{1 year after Catherine's sleep(PAST)}

[Diana's POV]

Nawalan na siya ng pakiramdam na buhay pa siya simula ng trahedya noon sa gubat.

Natsume saved her.

Nang dumating si Mark Leon upang sagipin sila ay hindi na rin nito naabutan si Natsume.

Galit na galit siya nung araw na iyon. Pero sa kabilang banda ay matinding lungkot.

Simula ng mangyari iyon ay hindi na niya naasikaso ang sarili.

Hindi siya kumakain, lumalabas o namamansin.

Palagi siyang tulala at tahimik na lumuluha.

Dumating ang araw na kinatatakutan niya. Matapos silang sugurin ng kampo ni Catherine at ng iba pa niyang mga suitors ay nagsitipon-tipon ulit ang mga ito upang kamustahin siya.

Wala naman sa mga ito ang nasaktan. Hindi nagtagumpay ang mga iyon sa surpresang atake.

Ngunit nang makita niya si Carl ay doon na siya nakaramdam nang takot.

Namimilog ang mata nito habang naluluhang nakatingin sa bato't halos magkapira-pirasong katawan ng kapatid nito.

Hindi naman siya sinumbatan at sinisi. Tahimik lang itong lumabas ng kwarto at simula noon ay hindi na nila ito nakita.

Naglaho na ito na parang bula. Alam niya mang buhay pa ito, hindi niya naman alam kung nasaan ito.

Hanggang sa dumating ang araw ng pagtulog niya.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon