Resolution

196 6 4
                                    

A/N:

Mind ko lang po kayong mga readers, this story composed of book 1 and book 2 doesn't revolve around vampires and werewolves, so kung iyon po ang habol niyo sa story na ito, sorry to disappoint you but that would never be happen.

First of all, vampires and werewolves was just a start of the rising of the mixed bloods(hoshoku), so to be simple.... as the book 1 entitled: The Prophecy and the Beginning...... I really need to include those immortals so that the story of the mixed blood will be understood... on how they were made, what are they and so on and so forth.  

This is Mixed blood... the title should tell you that vampires and werewolves are not on the main role. And I also prepare to have them incredible abilities and powers since I watched and read anime and manga.

I want everything to be clear, that's all.

KenzoSeiji

----------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil sa nangyari sa mansiyon ng mga hoshoku, at dahil na rin sa bagong alyansang nabuo simula ng magtungo si Diana sa kuta ng mga hunters ay minabuti ng lahat ng kinatawan ng bawat lahi na ipagsama ang hoshoku queens sa iisang lugar upang mas mapadali ang pagpoprotekta sa mga ito.

[Diana's POV]

"C-catherine-neechan, good morning!" ani Diana ng pagbuksan siya ng kapatid na si Catherine.

Nagulat siya ng bigla na lamang tumakbo ang mga anak niya sa loob ng bahay. Pipigilan niya niya sana ang mga ito pero tuluyan na ang mga ito sa pagpasok sa loob.

Medyo nagulat pa siya ng tumawa ang kapatid niya sa ginawa ng kabal niya.

"Pasensiya ka na sa kambal ko. Mahigpit kong pinagbilin sa kanila bago kami magpunta rito na batiin ang may-ari nitong bahay--"

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Diana. Kung hindi mo naitatanong, sa umpisa pa lamang bago ako maipanganak sa katawang ito ay mahilig na talaga ako sa mga bata non pang kapanahunan natin" galak na pagpipigil nito sa kanya habang nakatingin sa mga anak niyang naghahabulan na sa sala.

Pinatuloy na siya nito sa loob at ipinagtimpla ng kape. Magkaharap na umupo sila sa magkabilang sofa habang humihigop ng mainit na kape.

Napansin niyang ito lamang ang naroon upang asikasuhin sila, minabui niyang tanungin ito tungkol roon upang hindi naman sila magkailangan.

"Nasaan nga pala ang suitor mong si.... S-si....--"

"Si Kuya Jerome ba ang hinahanap mo?" putol na naman nito habang pinagmamasdan parin ang mga anak niya.

"O-oo" mauutal na ata siya dahil nahalata nitong hinahanap niya nga ang lalaking iyon.

Hinarap na sya nito sabay ngiti.

"Kung hindi ako nagkakamali, sya ang ama, tama ba?"

Bilib na siya sa abilidad nitong basahin ang isip niya.

"Oo, nais ko sanang humingi ng paumanhin dahil doon. Siya lamang kasi ang makakapagbigay sa akin ng dalawang anghel na nakikita mo ngayon. P-pero wag kang mag-alala, wala naman akong balak na hilahin siya sa responsibilad na basta ko na lamang ipinataw sa kanya" aniya.

"Natutuwa ako sa pagkasilang ng kambal, Diana. Pero gusto ko lamang malaman kung bakit mo gustong magkaanak kaagad?"

"Ayaw kong sabihin ang dahilan, ate" yumuko siya dahil baka mabasa nito ang nasa isip niya. Nahihiya siya sa rason niya.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon