Black feathers of the Seventh Child

366 7 3
                                    

A/N:

Bago kong favorite character, Lucia as my favorite vocaloid -----> Megurine Luka

_________________________

Ilang oras ng matapos ang pagsugod ng Org. sa himlayan ni Diana, nagkaroon ng napakalaking pagbabago ngayon sa mga taong-lobo’t bampira.

Napatunayan kasi nila na hindi sila ang kalaban ng mga mortal, na wala na silang threat sa mga ito. At dahil din naman sa tulong niya, napagbuklod niya ang magmortal na kaaway.

First, ang mga bampira at mga taong-lobo, at ngayon naman, ang mga imortal at mortal.

Hindi pa kumpleto ang alaala niya kaya wala pa siyang ideya sa katauhan ni Diana. Pero batid niyang may malaking parte ito sa pagkatao niya.

Minabuti ng kanyang Ina at ng iba pang ka-alyansa na ibigay na lamang sa kanya ang obligasyong maalala ang nakaraan. Ayon kasi sa mga ito ay napaka-personal ng mga iyon at kahit sila ay hindi masyadong maintindihan ang takbo ng mga pangyayari.

Ang bilin lamang sa kanya ng mga Mortal na siyang may hawak ng kanyang kwento ay mag-iingat siya.

Kasalukuyang nagkakaroon ng pribadong pag-uusap ang kanya-kanyang lider ng mga grupo, ang lider ng Org. kung saan nagtatrabaho ang kuya niya at sa mga bampira at taong-lobo na sina Lucas at ang kanyang Ina.

Siya naman ay nasa hardin ng mala-palasyong lugar na iyon. Naisipan niya kasing magsanay upang makatulong naman siya sa laban.

Natural na natural noon kung maglabas siya ng apoy, pero bakit ngayon? Bakit kakakurampot na apoy lamang ang nailalabas niya.

Hindi siya tumitigil sa pag-eensayo ng makadama siya ng presensiya sa may di kalayuan. Nasa kakahuyan iyon, nagtago siya at sinilip kung sino iyon.

Nagulat pa siya ng makita kung sino ang matamlay na naglalakad sa kadilimang iyon ng kakahuyan. Tumayo siya sa pinagtataguang halamanan kaya napukaw niya ang atensyon nito.

Ganuon pa rin ito, malungkot pa rin ang mga mata nito.

“Kuya....?”

Dahan-dahan siyang lumapit rito.

Lumihis ito ng tingin sabay ang mapait na ngiti.

“Naalala mo na ang kalahati ng nakaraan mo hindi ba?”

Hindi siya sumagot dahil batid niyang may idudugtong pa ito.

“Galit ka ba sa akin dahil nagsinungaling ako sa iyo? Hindi tayo magka-ano-ano”

Tama nga ito. Hindi sila magka-ano-ano pero mahalaga pa ba iyon?

“Hindi naman mahalaga kung magkadugo tayo, Kuya eh. Ang mahalaga totoo at hindi huwad ang lahat ng nangyari ng magkasama tayong dalawa, namumuhay na parang magpinsan..... halos magkapatid na nga, diba?”

Tumingin na ito sa kanya.

“Nalaman mo na ang katotohanan, bakit hindi ka nagagalit? Hindi ba dapat magagalit ka dahil t-in-raydor kita?”

Sa umpisa ay nagtaka siya sa lumalabas na salita sa bibig nito, hanggang sa ibulong mismo ng isip nito ang tunay nitong nararamdaman sa isip niya.

“Hindi na mahalaga kung bakit hindi ako nagalit sa iyo, ang dapat nating tutukan ay kung bakit ka malungkot? Dahil ba sa babaeng iyon kanina?” hindi niya direct to the point na sinabi ang nabasa niya sa isip nito, gusto niyang ito mismo ang maglahad ng saloobin sa kanya.

Mixed Blood Book 2: Hoshoku QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon