Chapter 1

2.2K 6 0
                                    

"Nakakahiya talaga. Hinding hindi ko na gagawin yon."

Umalis ako ng gym nang nakayuko.

Kakatapos lang magperform ng banda ng klase namin. Hindi ko masabi na maganda o maayos ito. PALPAK kase. Nakatatak pa rin sa utak ko hanggang ngayon ang buong pangyayari. Ang buong tao sa gym, mula freshmen hanggang seniors, they're all giving us those "what-a-crop" look. At ang mga judges, tinatakpan na ang mga sensitibo nilang tainga na halata namang gusto na umalis na sa kinauupuan nila. Ang iba naman ay todo bigay sa paghead bang kasabay ng malabasura naming musika. Wow. Napaka supportive!

Mahina akong tumatawa nang mapahinto ako sa kinatatayuan ko ngayon..

"'Di ba ikaw yung gitarista ng banda kanina?"

Teka. Alam ko yung boses na 'yun ah.

"Po.. Po.. Paul?" stutter much ako sa sobrang kaba pero tinitigan lang niya ako. Naconscious tuloy ako. Napanuod niya yung performance namin kanina? Ugh. Great. Totally embarassing!

"Aaa.. Oo." pwersahan kong sinabi then nginitian niya ako. Grabe! Nakakalunod ang ngiti niya! Lakas ng appeal. Kaya kong titigan to magdamagan. Ang gwapo. Pinagmasdan ko pa lalo siya ng maigihan. Nakasuot siya ng blue & white stripes na polo at khaki pants. Mas lalo siyang gumagwapo sa suot niya. Mmmm..

"Pangalan mo?" he coldly asked as his smile dropped. Natauhan ako at itingil ang pagpapantasya ko sa kanya. "Ta.. Tanya.. Ako si Tanya! Tanya San Jose!" mukhang autistic kong sabi habang inooffer ang aking kamay para makipagshake hands. Tinitigan lang niya at tumango. Tsaka umalis.

Nakatingin lang ako sa likod niya habang papalayo siya.

Tama 'yan. Pagpatuloy mo lang Tanya.

Pinahiya mo na naman ang sarili mo sa kanya..

***

"Oo. Hindi talaga ako makapaniwala na nakasalubong ko siya at 'di lang iyon, kinausap pa niya ako. KI-NA-U-SAP. kinausap ako Ash! as in KINAUSAP TALAGA!" nasabi ko ata yung huli ng sobrang lakas.

Nawala ang ingay. Lahat ng mga mata nakatingin sa direksyon namin.

"Sorry." 'Yun lang ang aking nasabi.

Tinitigan lang nila ako ng masama at bumalik na sa kanilang ginagawa.

"Nasaan na nga ba tayo?" tanong ko kay Ashley Joyce Ching, isang half filipina-half chinese na itinuturing kong isang taon nang matalik na kaibigan.

"Nasa canteen." obvious niyang sinabi sa akin habang ngumunguya pa ng french fries.

"Seryoso ako Ashley." Bihira ko lang siyang tawagin na Ashley. Mas cute kaya pakinggan ang Ash, 'di ba? Abo. Abo. Abo.

"Seryoso ka sa lagay na 'yan."

"Seryoso ako.." tinitigan niya ko. tinitigan ko rin siya..

OHA. ede siya talo. makipagtitigan daw ba sakin.

~Awkward silence~

 

"Tinanong niya pangalan ko at sinabi ko naman." pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan naming dalawa.

PAST, PRESENT, FUTURE w/ my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon