1

86 27 45
                                    

"Ano Delvalle!? wala kabang balak mag paliwanag? lahat ng grades mo lagapak! puro ka paganda at cutting classes! wala kapang isang taon dito sa Fuera University apat na yung na ospital dahil sayo pag katapos si Ms.Devera naman ang kinanti mo ngayon?!"

Kanina pa dada ng dada yung prof ko pero binabalewala ko lang im thinking of my pizza.. my poor pizza , hindi ko man lang naubos.

"DELVALLE!'' sigaw nito ulit saakin.

Bored ko siyang tinignan kanina pa ako naririndi sakanya, ang dami dami niyang sinasabi.

"What?  siya naman may kasalanan she deserve's it." sagot ko dito.

totoo namn eh, siya ang lumapit sa gulo nanampal siya bigla ng walang proweba poksahan kopa siya eh.

"Kelangan sayo parusahan ka para matuto!, I tatransfer kita sa Geneva University at hindi kita ibabalik dito sa Fuera hangat hindi ka nag titino!"

Nang sabihin ni mam yun nakuha niya na ang atensyon ko.

Teka? anong karapatan ng matandang ito para mag desisyon sa buhay ko? Oo maari niyang pakialaman ang grades ko pero yung ganito?!

"Sino ka para gawin yan? ikaw ba nav papaaral sakin?" sabi ko sakanya.

Kahit kelan bida bida tong prof nato wala namang ginawa kung di mag pa report nv mag pareport!

Inayos niya muna ang thick glasses niya bago siya nag salita muli.

"May permiso na ako ng iyong mga magulang. Doon ka hangat mag bago at matuto ka!"

Ano daw magulang? Oh great! ganyan naman sila wala silang pakilam saakin.

Gawin nila kung anong gusto nilang gawin, pero yung pag babagong hinihingi nila? hinding hindi ko ibibigay, sila din ang dahilan bakit ako ganito

Bakit? kasalanan ko ba bakit ako ganito? ginusto ko ba ito? sino bang may gusto ng miserableng buhay? palibasa kasi wala silang alam sa nararamdaman. Porke kita nila matigas sa panloob kala nila ganun talaga yung tao.

"ASA KAPA." sagot ko sakanya bago ako umalis ng nakaka suffocate niyang opisina amoy luya.

"DELVALLE!" rinig ko pang sigaw niya pero hindi kona siya pinansin.

Dire-diretso lang ako .

Diretso ako sa canteen pag labas ko ng office ng prof ko, feeling ko mag kaka high blood ako ng di oras sa inis sakanya.

Ang haba nanaman ng pila dito sa canteen! ang gugulo pa ng mga freshmen's na nakapila, pag balik ko dito galing Geneve kung makakabalik pako na hindi konaman hinahangad, dapat may policy na dito yung Maganda first sigurado ako hindi ko kailangan mag intay ng mahabang pila.

matapos ang mahabang pagtitiis at pag titiis sa mababahong amoy ng mga dugyuting mag aaral. nakarating din ako sa paroroonan.

"Isang slice ng pizza at one milk tea nga 100% yung sugar." sabi ko sa counter.

Umupo na ako sa table ko at inantay iserve yung pag kain ko, aba siyempre no! ang mahal mahal ng tuition dito tapos self service?

Dumating na yung pizza ko, hindi ko na pinansin yung nag serve saakin like i said, I don't freakin care 'bout everything.

Habang kumakain ako napaisip ako, ano kayang magiging buhay ko sa Geneva High? Pang pitong school na nilapatan ko ang Fuera mula nung mag highschool ako. Lagi kasi akong na dadrop or na kikick out.

Kung hindi kasi ako nag nakaw ng test paper sa faculty, O kaya hindi namabara ng mga boboniks na professor eh consistent naman ako sa buwan buwan kong pag papa dala ng estudyante sa ospital. Naisip ko nga dapat mag pasalamat sila saakin no! Kung hindi dahil saakin hindi mababawasan yung mga sakit nila sa ulo.

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon