MAXINE SUNSHINE POV'
"I-Im sorry"
Pag katapos sabihin iyon ni Eli, bigla nalang siyang tumakbo pababa ng stage. Hindi ko inaasahan ang magiging tanong sakanya ng judges pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang pag ka gulat at lungkot na nakita ko sa mga mata ng kapatid ko.
"Ate Shine!, sundan natin si Mira!" Sabi ni Niña saakin na halos hindi na alam ang gagawing pag hawak sa camera niya.
"S-Shine" nauutal na sabi saakin ni Janessa na naiiyak na.
Ngumiti ako sakanya at tumango para ipabatid na magiging okay din ang lahat, tumakbo kami papunta sa direksyon na pinuntahan ni Eli. Nag simula na ang bulung bulungan ng mga tao pero hindi namin sila pinansin ang importante saamin ngayon ay ang kapatid ko.
Pag dating namin sa hallway naabutan namin si Eli na tumatakbo habang naka takip ang kamay nito sa kanyang mukha.
"ELI!" Sigaw ko sakanya.
"MIRACLE!" Sabay sabay na sigaw ni Janessa,Niña at Hiro, habang si Van ay nakasunod saamin.
Lumingon siya ng bahagya at laking gulat ko ng makita ang pamilyar na ekspresyon na hindi pinapakita saamin ni Eli, umiiyak siya.. natatakot .. nalulungkot... at nasasaktan.. nasasaktan nanaman siya.
"Eli.." Pabulong kong sabi.
"LEAVE ME ALONE!" sigaw niya saamin at tumakbo palabas ng school.
Bahagya kaming natulalang lahat sa nangyari, nabalik lang kami sa ulirat ng may isang taong humahangos papunta dito.
"Zaji" tawag sakanya ni Van.
"Pare asan si Elise? Anong nangyari?" Nag aalala niyang tanong.
"S-shine." yumakap saakin si Janessa at niyakap ko siya pabalik, umiiyak na siya ngayon.
"Teka, ano bang nangyayari?" Tanong saamin ni Hiro.
Napa isip ako bigla, ano nga bang nangyayari? Dahil lang ba sa tanong ng judge kaya nag ka ganun siya?
"N-ngayon ko lang nakitang ganun si Miracle, s-she look so weak, so tired, so broke." Sabi ni Niña na nakatulala padin sa dinaan ni Miracle.
"H-hindi lang ngayon naging ganyan si Miracle, pero ngayon ko nalang uli siya nakitang ganyan" sabi naman ni Janessa habang nag pupunas ng luha at nakayakap na ngayon kay Van.
"Babe, stop crying" alo sakanya ni Van.
"Teka! Ano bang nangyayari!? Bat bigla siyang nag ka ganun!?" Mejo maataas ang boses ni Zaji ng mag tanong siya at nakahawak pa sa sintindo niya.. Nag aalala siya sa kapatid ko.
Hindi lang ngayon naging ganyan si Eli, mas malala pa nga sya noong--Teka.
"ANONG DATE NGAYON?" halos pasigaw kong sabi kaya't nakuha ko ang atensyon nila.
"Hindi ito ang time para mag tanong ka ng date! Kailangan natin hanapin si Elise!" Sabi ni Zaji saakin, tinitigan ko siya ng matalim, kailangan niya kong sagutin ngayon.
"Anong date ngayon!" Ulit ko sa tanong ko, sasagot sana uli si Zaji ng sensyasan siya ni Janessa na tumahimik.
"J-January 28" nauutal na sagot ni Niña.
January 28?.
28?
Bullshit!
"Janessa." Naiiyak kong sabi kay Janessa, nung una naguguluhan siyang tumingin saakin.
"Janessa, J-January 28 2016" sabi ko at hindi ko na napigilang humagulgol.
Maya maya pa nanalaki ang mata ni Janessa at biglang umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
Right Mistake
HumorWalang perpektong tao.Lahat pwedeng mag kamali. walang permanente sa mundo.lahat pwedeng mag bago. Yung dating nasa tabi mo pwedeng mawala. Yung dating taong ayaw na ayaw mo sila pala ang mag iistay sa tabi mo. Sa totoo lang magulo ang mundo, mas ma...