"ELISE!! gising kana please? malelate tayo niyan eh!"
Nagising ako dahil sa boses ng kapatid kong kanina pa sigaw ng sigaw at yugyog ng yugyog saakin. Oo nga pala first day ko sa Geneva. Tinignan ko ang orasan.
7:00 am, napaka agad pa! 9:00 pa ang calltime sa school.
"Jusko naman Sunshine! napaka aga pa ang aga mo mang bwisit!" sabi ko dito at nag talukbong ulit.
"Ano ba yan, Eli bilis na kumilos kana!" pilit nito.
"Oona kikilos na lumayas kana sa kwarto ko!" sabi ko dito, nginitan naman ako nito ng pag ka tamis tamis na para bang sinasabing "Oh yes i won!!" bwisit.
Isa sa dahilan bakit ayaw kong maging school mate si Shine dahil jan, ayokong bwisitin niya ko tuwing umaga. Masyadong grade conscious yan kaya maaga pa lang kumikilos na talaga siya ayaw niyang malate at dahil nga schoolmates na kami, eto dinadamay niya ako.
Binilisan ko ang pag aayos dahil tiyak mag tatransform na si Shine from angel to dragonessa .
-
"Ma'am nandito na po tayo" sabi ni Mang pedring saamin yung driver namin."Oho mang pedring nakikita namin may mata kami" sabi ni Shine habang nag roroll eyes.
Napatawa tuloy ako sakanya, well kapatid ko nga talaga to .
Nanibago ako sa paligid ko ng makita ko ang loob ng Geneva, well mas malaki ito ng kaonti sa Fuera, pero magulo din ang hallway madaming mga estudyante ang pakalat kalat, if i know ang iba jan ay toxic.
"Shine! dito! Hi!" may lumapit saaming babae na mukhang kasing edad ni Shine, sa tingin ko classmate niya ito.
Naka glasses ito at may bangs pa, mukhang nerd.
"Hi Jessie! Ito nga pala yung kapatid ko si Miracle." pakilala saakin ni Shine.
"Hi miracle!" tinignan ko ang kamay nitong nakalahad saakin.
Teka? nang lilimos ba siya? kumapa ako sa bulsa ko kung mayroon akong barya kaso wala eh? Tinignan ko lang yung kamay nung Jessie na nakalahad. Akala ko mayayaman tao dito sa Geneva?
"Ah-ano wag monalang siyang pansinin Jessie pinaglihi kasi ni mommy sa sama ng loob yan si Miracle--este tarana malelate tayo" sabi nito kay Jessie.
Aba't! Ginawa pakong sama ng loob nitong si sunshine ha? sa gatas kaya ako pinag lihi kaya ang ganda ng kutis ko.
"Mauna na kami Miracle Elise ha? may paa kanaman diba? may mata ka din? may bibig kaya mona sarili mo bye!" sabi nito at hinatak na yung friend niyang pulubs.
tinawag ko pa ito pero nag wave lang ito saakin ng hindi manlang naharap, walang hiya pinabayaan ako ng kapatid ko.
Pero tama sya may paa, mata at bibig naman ako. Kaya ko sarili ko.
Tinignan ko yung room na nakasulat sa paper ko na inabot kay Shine kahapon nung principal nila para ipaabot saakin.
Room 214 STEM -C
Hinanap ko na yung room ko, excited na kasi ako makipag barahan sa mga classmates ko. Hindi biro lang kahit di ako marunong mag joke. inaantok pa kasi ako balak ko sana tuloy yung naudlot kong tulog.
Nag tataka ako bakit Stem yung kinuha kong strand eh pangarap ko mag lawyer pero napunta ako sa strand ng mga Engineer's, Architect's at Doctor's.
Oo gusto ko maging abogado! anong akala niyo saakin walang pangarap? Mukha lang wala pero meron talaga!
Nang mahanap ko yung room dirediretso akong pumasok.. nagulat ako ng bumagsak ako sa sahig..
Ugh my butt hurts.
BINABASA MO ANG
Right Mistake
HumorWalang perpektong tao.Lahat pwedeng mag kamali. walang permanente sa mundo.lahat pwedeng mag bago. Yung dating nasa tabi mo pwedeng mawala. Yung dating taong ayaw na ayaw mo sila pala ang mag iistay sa tabi mo. Sa totoo lang magulo ang mundo, mas ma...