10

27 9 2
                                    

Dahil nga kasali kami ni Zaji sa Faces of Geneva 2018 , kailangan mag practice kami para pagent na yun. Mag tatatlong oras na kami ni Zaji dito sa loob ng gym kasama ang iba pang mga kandidato at kandidata, tinuturo nila kung pano rumampa at pag sasalita.

"Onting gana naman jan Delvalle!" Sigaw saakin ng baklang direktor ng pagent na ito. Inirapan ko lang siya at itinuloy ang pag rampa.

Bored na bored akong kumikilos dito , it's not my thing. Mas gugustuhin ko pa matulog ng mag hapon kesa rumampa dito suot ang mataas na heels, nakakapagod.

"Nice Delacuesta!" Puri naman ng direktor kay Zaji na maanngas na rumarampa.

Napairap ulit ako sa inasal ng direktor, maayos naman pag kaka lakad ko ha? Favoritism.  Isang lingo na kaming ganito at isang lingo na din ako binabasag ng baklang direktor na akala mo ang galing rumampa.

"Okay so mag ready ang lahat dahil bukas na ang pagent, aware naman kayo diba? Good luck candidates" sabi nito saamin .

Nag tanguan ang mga candidates at nag simula na mag ayos ng mga gamit nila para lumabas ng gym. Napaupo ako sa bench ngayon dala nadin ng pagod. Hayy gusto ko na matulog.

"Wife let's go?" Sabi ni Zaji saakin at inabutan ako ng tubig.

Tumango nalang ako at binuhat ang bag ko, pero nagulat ako ng kunin niya iyon saakin.

"Hey, give me my bag." Sabi ko dito at pilit na inaabot ang bag ko pero itinaas niya ang kamay niya kaya't hindi ko maabot iyon. I'm not short, he's just too tall.

"Zaji, ano ba?" Inis kong sabi sakanya.

"I'll hold this, baby wife. Pagod kana okay? Ako na mag dadala." Sabi nito saakin.

Umirap nalang ako at nauna ng mag lakad as a sign of defeat. Nakangisi naman siya saakin na parang pinag mamalaking nanalo siya.
-
"Girl,  ako mag aayos sayo bukas ha?" Sabi ni Janessa saakin habang kumakain ng choco bars.

"Miracle, ako nalang mag aayos ng buhok mo!" excited naman na sabi ni Niña.

Inirapan ko sila pareho .

"Kung gusto niyo kayo nalang din ang sumali." Sabi ko at pinag patuloy ang pag kain ko ng carbonara.

Ugh? Purgang purga na ako sa carbonara,  wala kasi silang pizza dito. I miss the pizza on Fuera.

"Ang sungit mo naman, pero seryoso sa bahay nyo kami matutulog mamaya diba Niña?" Sabi nito kay Niña, tumango naman si Niña at sabay silang tumawa.

"What!? Anong gagawin niyo sa bahay?!" Inis kong tanong sakanila.

"Mag iisleep over! Duh. Para maaga ka maayusan bukas." Sabi ni Niña saakin.

Napairap naamn ako dahil nahahawa na siya sa kaconyohan ni Janessa, lagi kasi silang mag kasama di nako mag tataka pag nag kapalit sila ng mukha.

"Yes! Kaya wala kanang magagawa" segunda namang pinsan ko.

Walang gana ko sila ulit tinignan bago ko isunubo ang huling tinidor ng carbonara ko.

"Do what ever you want" bored kong sabi.

Rinig ko ang mga sigaw nila na parang nanalo sa lotto.

"Yes! Touch move na yan!" Tili ni Niña.

Itong nerd na ito, nagiging maingay na dahil kay Janessa. Pero in the other way , good for her atleast di na boring buhay niya.

"Yeh! Walang bawian. Period. No.Erase." sabi naman ni Janessa saakin.

Sinamaan ko nalang sila ng tingin kaya't nag peace sign sila. Sasagot sana ako uli ng mag vibrate ang phone ko.

Pag ka open ko nakita ko na galing kay Zaji ang message. Hmm .

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon