Ang galing!"
"Ang ganda ng boses ni Zaji!"
"Nakaka inlove ka Zaji!"
"One more!!"
"Great job Mr. Delacuesta and Ms. Delvalle"
Ilan lang iyan sa mga papuri na natangap namin ni Zaji matapos ang aming presentation. Inabot saamin ni mam ang paper sheet kung saan naka sulat ang nakuha naming grade at hindi ko napigilang mapangiti ng makita ko ang mtataas na markang nandoon.
Matapos ang oras namin sa music class, natatanaw kona sila Van, Janessa at Hiro sa labas.
"Congrats Miracle!" Sabi saakin ni Niña at niyakap ako.
Nginitian ko siya at niyakap pabalik.
"Thank you Nins! Kayo din ang galing niyo congrats din!" Nakangiti kong sabi. Ngumiti siya saakin na parang nahihiya.
"H-hindi ah. " sabi niya at yumuko.
Sumayaw kasi sila kanina at totoo ang sinabi ko magaling siyang sumayaw talaga sigurado ako na mataas ang marka niya.
"Miracle!Niña!" Sabi ni Janessa saakin mula sa labasan namin.
"Nins, una kana sa labas wait lang aayusin ko lang gamit ko." Sabi ko kay Niña, tinanguan niya ako at patakbong lumabas.
Hinanap ng mata ko si Zaji pero hindi ko siya nakita, siguro nauna na siyang lumabas. Matapos kong ayusin ang bag ko ay lumabas na din ako ng pintuan at sinalubong silang nag tatawanan. Pero napansin ko, wala siya?
"Uy Miracle! Congrats!" Sabi ni Janessa saakin.
"Salamat Janessa" nakangiti kong sabi.
"Mira congrats!" Bati din ni Van saakin, pabiro ko siyang sinuntok sa braso at nakipag tawanan sakanya.
"Prend, congrats!" Sabi naman ni Hiro at ginulo ang buhok ko, sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya habang siya ay tawa naman ng tawa.
And what's with the "prend" thingy? Inignore kona lang ang sinabi ng baliw na ito
"Zaji pare!" Bati ni Van kay Zaji nag lalakad papunta saamin.
San siya galing?
"San ka galing pare?" Tanong naman ni Hiro dito.
Inangat niya ang cellphone niya at sumenyas na may kinausap lang dito.
Pag may kausap sa phone kailangan lumayo ganun? Napairap nalang ako sa hindi ko malamang dahilan.
-
Pag pasok ko kinabukasan kapansin pansin ang mga estudyante na nag aayos ng mga home room nila, teka anong meron?"Miracle!" Nilingon ko kung sino ang tumawag saakin, si Niña pala.
Hingal na hingal itong lumapit saakin.
"Ang bilis mong mag lakad" sabi nito saakin.
"Anong meron ngayon bakit nag aayos sila ng rooms?" Takang tanong ko sakanya habang nag lalakad kami patungo sa room namin.
"Hindi mo alam?" Gulat na tanong niya saakin.
"Hindi, mag tatanong ba ako kung alam ko?" Sagot ko sakanya.
Tumawa nalang si Niña sa sinabi ko, siguro nasanay na siya sa pambabasag ko pero kung siguro kinausap ko siya ng ganito noon ay iiyak siya sa harapan ko.
"Foundation day natin ngayon, Miracle." Sabi nito saakin.
Foundation day ng Geneva ngayon? Hindi man lang nila ako sinabihan? Wala tuloy akong alam, alam naman nilang di ako taga Geneva talaga at bagong salta lang ako.
BINABASA MO ANG
Right Mistake
HumorWalang perpektong tao.Lahat pwedeng mag kamali. walang permanente sa mundo.lahat pwedeng mag bago. Yung dating nasa tabi mo pwedeng mawala. Yung dating taong ayaw na ayaw mo sila pala ang mag iistay sa tabi mo. Sa totoo lang magulo ang mundo, mas ma...