"May problema ba Mr. Delacuesta?" tanong ni Madàme sakanya.
Wooh, kailangan ko na talaga makaalis dito as now na.
"Wala po." sabi nito, tumango tango lang si madàme at binalik na yung pag tuturo niya tungkol sa history ng China.
Ramdam ko yung titig saakin nitong katabi ko, kailangan makaalis na ako dito right after dismissal aalis talaga ako agad dito.
Hindi ko alam kung bakit ako pa yung naiilang dito sa manyak na to, Hindi ba dapat siya yung mailang? Aba! siya tong nakikipag momol sa c.r no!
Nagulat ako ng may ilapag siyang papel sa desk ko.
"I really know you."
oh damn! I really need to get out of here.
Hindi ko pinansin yung drama niya sa buhay at itinapon ang papel na inilipag niya desk ko sa bintanang katabi ko.
Napaka kapal talaga ng manyakol nato matapos niya kong ipakilalang girlfriend niya sa harap ng bitch niya eto naman ngayon? Like duh! Hindi kaya ako easy to get!
Nagulat ako ng may papel nanaman na lumapag sa table ko, hindi ba talaga siya titigil? sinamaan ko sya ng tingin bago binasa ang nakasulat.
"What's your name?"
Anak ng? napaka mimoso nitong lalaking to.
Naisipan kong sagutin yung sulat niya para manahimik na siya.
"Dont have." sagot ko at binato sakto sa pag mumukha niyang nakatingin pala saakin yung papel.
Kahit nakatingin ako sa prof nakikita ko sa peripheral view ko ang pasimpleng pag tawa nitong manyak na nasa tabi ko.
May nilapag nanaman siya uling papel, akala ko titigil na siya? ? mukhang maling sulosyon ang sagutin ang sulat ng isang makulit na taong tulad niya.
"Then I'll give you a name, from now on you are "wife" so HI WIFE! ! <3"
Napatayo ako sa gulat sa nabasa ko at tinignan siya ng masama.
"WHAT THE HELL?!" sigaw ko sakanya.
Tinignan niya lang ako na parang nagulat din pero maya-maya nakita kona ang simpleng pag ngisi niya.
Nanlaki ulit ang mata ko ng ma realize kung anong ginawa ko, nilibot ko ang paningin ko sa pagilid. Lahat sila nakatingin saakin, kitang kita ko pa ang matatalim na titig ni Eris saakin.
Tapos si Prof nakatingin siya saakin.
Inayos niya yung glasses nya bago siya mag salita."May problema ba Ms. Delvalle?" tanong nito saakin.
"W-wala po . sorry" sabi ko nalang at umupo ulit.
Tinignan pa ako nito ng matagal bago ibinalik ang mata sa sinusulat nito sa board.
Nanatili akong balisa buong klase, for Pete's sake! im not one of he's bitches!
Gustong gusto kong sakalin itong lalaking nasa gilid ko dahil sa mahinang pag tawa niya sa nangyari.Bakit sa damidami ng magiging kaklase etong gwapong manyak na ito pa?
"Class dismiss. "
Nag simula ng mag labasan lahat ng classmate ko pero nanatili akong nakaupo sa silya ko. Sobra sobra talaga akong nababanas sa taong yun!
Naramdaman kong tumayo na yung nasa tabi ko kaya mejo nakahinga nako ng maluwag. Pero still, hindi ako makakakilos dahil sa kahihiyan na nangyari.
"Bye wife!" sabi nito saakin habang nag lalakad palabas.
BINABASA MO ANG
Right Mistake
HumorWalang perpektong tao.Lahat pwedeng mag kamali. walang permanente sa mundo.lahat pwedeng mag bago. Yung dating nasa tabi mo pwedeng mawala. Yung dating taong ayaw na ayaw mo sila pala ang mag iistay sa tabi mo. Sa totoo lang magulo ang mundo, mas ma...