12

22 8 3
                                    

Nag lalakad kami ngayon sa school ground papunta sa gym. Ngayon kasi ang laban nila Zaji, and nandito kami ng girls para sumuporta. Hindi pwedeng wala ako sa araw ng laban nila, dahil kasama ko sila nung kinakalaban ko ang sarili ko.

Paliko na sana kami ng gym nila Janessa ng may makita kaming nag kukumpulan sa isang spot sa school garden. Anong meron?

"Anong meron?" Sabi ni Niña, bahagya niya pang inayps ang kanyang salamin.

Nag kibit balikat kami ni Janessa.

"Tara, tignan nalang natin" sabi ni Janessa,  tumango nalang ako at sumunod sakanila papunta sa nag kukumpulang tao.

Sumulyap ako sa relo ko, 10 mins pa bago mag start ang game. Hindi naman siguro kami ma-lelate kung dadaan muna kami dito.

"Ah--m, miss anong meron?" Tanong ng pinsan ko at hinawakan sa braso ang isang babae.

"Try out sa badminton at volleyball para sa foundation day." Sabi nito at ibinalik uli ang tingin niya sa harap ng mga nag kukumpulan.

Nasulyapan ko ng kaonti yung pinag kukumpulan nila, nag papalista  pala sila para sa try out.

"Oh, ang aga pala ng game para sa badminton ngayon, last time kasi after pa ng lahat ng contest yun eh." Sabi ni Niña.

"True!pero okay lang yun tama naman na mag kakasunod ang sports tapos ihuli nila yung sa dancing" sagot ni Janessa.

Hindi na ako sumagot at nanatiling nakatingin sa mga nag kukumpulang tao sa harapan ko.

"Ahm, Mira? Tara na?" Sabi ni Janessa saakin, ngunit nanatili ang mata ko sa harapan ko.

"Miracle? Let's go?" Ulit naman ni Niña.

Humarap ako sakanila at ngumiti, nangunot ang noo ng dalawa dahil sa inasta ko.

"I'll play" deklara ko sakanilang dalawa.

Nanlaki ang mata ng pinsan ko sa sinabi ko, siguro ay naninibago nanaman siya. I know she'll find it weird kung bakit gusto ko mag laro and maybe, Shine's reaction would be the same if i tell her that im going to join the try out.

"Y-you serious?" Takang tanong padin ng pinsan ko.

Tumango lang ako bilang sagot, tumalikod ako upang pumila sa palistahan pero dinig na dinig ko pa ang usapan nilang dalawa.

"S-she plays?" Tanong ni Niña kay Janessa.

"Are you kidding me? She's a champ!" Sagot naman ni Janessa kaya ramdam kong natigilan si Niña.

Napailing nalang ako dahil sa inasal ng dalawa.

Yes, i used to play badmiton. Yun lang kasi ang sports na komportable ako, ayoko kasi volleyball dahil masakit iyon sa braso. 2 years ago tumigil ako sa pag lalaro. Mula kasi ng mawala sa'kin si Rafael, pakiramdam ko hindi dapat makita ng iba yung mga bagay na kaya kong gawin, because i only want to show it to my Rafael, but those people teach me how to open my world again. Im not overreacting but hell yeah, they teach me how to live a normal life  again.

"Miss mag papalista kaba?" Napapitlag ako ng marinig ang boses ng organizer, masyado nanaman akong nag isip at hindi ko napansin na nasa harap na pala ako.

"Y-yes!" Mabilis kong sagot.

Im not hesitating, i know im ready to do this again.

"Fill up mo'to" sabi nito sabay abot saakin ng papel, tingap ko iyon at sinulatan na.

Nang matapos ako mag sulat binalik ko ito sa organizer, sinabi niya saakin na bukas 12:00 pm ang try out namin, nginitian ko siya bago ako umalis.

Pagka labas ko ng pila, hinanap ng mata ko sila Janessa but i can't find them, lilinga sana ulit ako ng mag vibrate ang phone ko.

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon