7

27 14 5
                                    

Mag hahating-gabi na pero nandito pa din kami sa mansion nila Zaji, tahimik lang ako at pinag mamasdan ko sila. Ang saya saya nilang tignan, parang wala silang mga problema. Napangiti nalang ako ng mapait dahil sa tumatakbo sa utak ko. Sana lahat.

Sana lahat ng problema kayang solusyonan ng isang ngiti lang, sana lahat ng lungkot kayang pawiin ng isang ngiti lang, sana lahat ng sakit kayang ibsan ng isang ngiti lang. Sana lahat ng sana matupad.

"Ang lalim ng iniisip mo ha?" Tinignan ko ng masama si Hiro na kakaupo lang dito sa tabi ko at sumandal din sa maliit na puno dito sa garden nila Zaji.

"Ang chismoso mo , hindi tayo close." Seryoso ngunit pabiro kong sabi dito.

"Im sorry" sabi nito . Umiwas siya ng tingin at akmang tatayo na sana ng pigilan ko siya, itong lalaking ito masyadong seryoso.

"Biro lang" sabi ko at nginitian siya.

Mukang nagulat pa siya sa pag ngiti ko sakanya pero agad din siyang naka bawi at bumalik sa dating pwesto sa tabi ko.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya saakin.

Sa totoo lang? Madami . Madami akong iniisip, kung bakit kailangan mangyari yung mga bagay bagay na hindi sunod sa plinano mo para sa buhay mo.

"Iniisip ko kung may gusto ka ba kay Niña" sabi ko sakanya habang itinataas baba ang dalawang kilay ko.

Namula naman siya at parang hiyang hiya sa sinabi ko kaya't napalakas yung tawa ko dahil sa nagibg reaksyon niya

"Secret missy" sabi nito at kinurot ang ilong ko.

Tinabig ko yung kamay niya at pinag patuloy siyang asarin kay Niña.

Nag aayos ng pinag kainan sila Janessa , Niña at Van. Habang si Zaji.. asan si Zaji? Nilibot ko ang mata ko sa buong garden nila at nakita ko siyang papalabas ng garden at papasok sa bahay nila.

Oo nga pala, kailangan ko na siyang i approach dahil sa sunod na araw na yung presentation namin sa music class.
-

"Tara na!" Yaya ni Van saaming lahat habang binubuhat si Janessa na naka tulog na sa blanket.

Tumayo na ako at kinuha yung gamit ko nang mapansin kong hindi pa din bumabalik si Zaji. Kailangan ko na talaga siyang makausap. Ayokong bumagsak, hindi ko alam kung bakit pero parang iyon ang ginugusto ko ngayon. Hindi naman ako ganito pero ewan ko ba! Hindi ko alam.

"Niña sabay kana sakin?" Narinig kong sabi ni Hiro kay Niña habang nakasunod kami kila Van.

Napangiti ako sa naging reaksyon ni Niña, hindi niya alam siguro kung kikiligin ba siya o mahihiya.

"H-hindi na , malapit lang naman ako" sagot ni Niña.

"Sigurado ka?" Sabi ni Hiro.

Tumango sakanya si Niña kaya napa buntong hininga nalang siya, Nilapitan ko si Hiro at bumulong.

"Failed ka boy." Sagot ko at tinawanan siya tapos ay patakbong hinila si Niña palayo sakanya. Napailing iling nalang siya at napatawa din sa ginawa ko.

"Miracle."

Nilingon ko si Niña na kasabay ko na ngayong mag lakad.

"Ano yun?" Sagot ko sakanya.

Inayos niya muna ang makapal niyang salamin bago sumagot.

"Salamat kanina, f-friends?" Halatang kabadong tanong niya.

Ngiti lang ang isinukli ko sakanya at nauna ng pumasok sa bahay nila Zaji, kailangan ko pa kasi itong kausapin.

Hindi ko magawang sagutin si Niña dahil hindi ko kasi talaga alam kung ano ang isasagot ko, pero siguro sapat na yung ngiti na yun para malaman niya na nandito ako para sakanya.

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon