4

28 20 14
                                    

Nakasimangot akong umuwi ng bahay, Hindi ako natutuwa sa naging unang araw ko Geneva, unang una binuwisit ako nung manyak na impakto tapos dumagdag pa yung mutant.

"Hi Miracle! how's your first day?" Bati ni Shine saakin habang naka upo sa sofa at nanoo ng tv show.

napairap ako sa tanong niya at hindi siya sinagot, hindi paba obvious na hindi maganda ang unang araw ko?

"Huy, huy teka!! anong nangyari?" sabi nito at lumapit saakin.

Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa sofa at kumain ng popcorn na kinakain niya.

"Uy may nangyari ba?" tanong niya ulit.

bakit ba may lahing parrot tong kapatid ko?

"don't like your school. too many toxic people around." plain kong sabi sakanya at ipinikit ang mga mata ko.

May sinabi pa si Shine pero hindi ko na yun naintindihan dala narin siguro ng pagod nakatulog nalang ako bigla.

-

Nagising ako ng may maramdaman akong balahibo sa may paanan ko, Dinilat ko yung mata ko ng dahan dahan.

Damn! dito pala ako sa sala nakatulog, hindi manlang ako ginising ni Shine.
Tinignan ko yung sa paanan ko at napangiti ako ng makita ang baby ko na natutulog doon.

"Hi Faith" bati ko sa baby ko.

nag meow lang ito ng mahina at ipinikit ulit ang mga mata niya . My baby faith is a Cat yung mabalahibo na white cat.

Binuhat ko siya at pumunta na sa kwarto ko para makatulog ng maayos.

"Goodnight Faith"

-

Relax na relax lang akong nag aayos ng sarili ko kahit alam kong late na ako sa  dalawang subjects ko. The hell i care.

Mas mabuti nga yun at di naumpisahan ang umaga ko ng mga taong nakalunok ng chemical.

"Bye Faith!" sabi ko sa baby ko at lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ko.

Hindi ako ginising ni Shine ng maaga bakit kaya? siguro na realize na niya na hindi ako natutuwa sa school niya.

Pag dating sa school,  15 mins nalang music class na kaya binilisan ko na ang lakad ko para hindi ako ma late sa 3 rd subject ko.

Pag pasok ko ng room as usual, yung iba pinag tinginan ako at yung iba walang pakialam. Sumalubong din saakin ang nakataas na kilay mg mutan na si Eris na nakatayo malapit sa pintuan.

Ang lakas ng loob nito mangtaray hindi paba siya nadadala talaga?

Nginisian ko lang siya at pinagpatuloy ang pag lalakad , wala akong oras para sayangin ang laway ko sa mga kalaban ng Ninja turtles.

"Hi wife!" napasimangot naman ako ng marinig ko namaman ang linyang yan mula sa isang impakto na nakaupo sa tabi ng upuan ko.

"Huy! pansinin moko! bat ka late!?" sabi nito na parang galit na boyfriend.

"Eh kung isaksak ko kaya sa baga mo tong cellphone ko para malaman mo kung bakit ako late?" madiin kong sabi dito.

Nag peace sign ito saakin at ngumiti.

Hindi ko na siya pinansin at sinalpak sa tenga ko yung earphones ko.

Maya maya,pinatay konalang yung tugtog per hindi ko inalis yung earphones wala din kasing sibi kasi ang ingay naman ng classroom na ito.

Bakit ba ang tagal nung teacher?

"Hi Zaji!" napatingin ako ng may marinig akong malanding tono sa paligid.

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon