14

37 3 1
                                    

Buong klase wala akong naintindihan sa lessons. Ewan koba. Pakiramdam ko walang wala ako sa mood ngayon.

"Uy, Kel! Tara na" nagulat ako ng kalabitin ako ni Niña.

"Saan?" Pabulong na tanong ko sakanya.

Nag taka ang mata niyang tumingin sa'kin.

"Ugh? Lalabas na?" Patanong na sagot nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit kami lalabas eh nag lelesson-- what the hell!?

"N-nasan sila?" Takang tanong ko sakanya. Napatayo ako ng makita kong wala ng tao sa loob ng room bukod sa'ming dalawa.

"5 mins na mula nung nag dissmiss si ma'am. Hindi mo alam? Hala! Akala ko kasi masama lang pakiramdam mo kaya hindi muna kita tinawag" sabi nito sa'kin.

Umiling ako sakanya, hindi naman masama ang pakiramdam ko but.. ganoon ba ako ka pre-occupied para hindi ko mapansin na nag labasan na sila?

Ugh! What's happening to you, Miracle Elise.

"N-never mind, let's go" yaya ko sakanya at iiling iling na lumabas ng room.

Alam kong nag tataka pa din si Niña sa inasal ko pero mabuti nalang at hindi na niya ko kinulit.

Pag labas namin ng room naabutan namin ang naka simangot na si Janessa kasama sila Van at Hiro  na nag lalakad at mukhang papunta sa room na'min.

"Janessa!" Dinig kong sabi ni Niña at kinawayan ang pinsan ko, hindi ito sumagot at nanatiling naka simangot.

Nang makalapit ito saamin ay lalong lumukot ang mukha niya. Ano nanamang problema niya? Mukhang hindi ata nauubusan ng problema itong si Janessa.

"H-hey" nauutal na sabi ni Niña sakanila habang nanatili naman akong tahimik.

Kung hindi naka busangot ang mukha ni Janessa, iisipin ko na kaya nautal si Niña ay dahil kay Hiro, pero mukhang nautal siya dahil sa mukha ni Janessa na ngayon ay naka tingin ng masama saamin.

Hindi sumagot si Janessa at nanatili lang naka talim ng tingin saamin.

"Problema mo?" Malamig na sabi ko dito, wala ako sa mood para makipag kulitan sakanya.

Nag pout si Janessa. Siguro ay nasa isip na niya na hindi uubra ang inaasal niya saakin ngayon.

"What took you guys so long!" Padabog na sabi nito. . Napa kamot nalang sa ulo si Van dahil sa pag dadabog ng girlfriend niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Busy kami" tipid kong sabi sakanya.

"Sorry, Janessa" pag hingi naman ng paumanhin ni Niña sakanya.

Tumango tango si Janessa at inayos na ang kaninang lukot lukot niyang mukha. Naka hinga naman ng maluwag si Van ng makita na kumalma na ang girlfriend niya. Tsk, takot talaga siya kay Janessa. Poor, Van. He's stuck in my amazona cousin.

"Ano bang pinag iinarte mo, Janessa?" Sabi ko sakanya.

Nanlaki ang mata ni Hiro at Niña sa sinabi ko, baliwala naman yun kay Janessa dahil alam kong alam niyang wala ako sa mood ngayon.

"Mag ke-Crainum kasi tayo!" Naka pout na sabi nito sa'kin.

Oo nga pala, niyaya nga pala niya kami mag crainum ni Janessa kanina.

"Ah--mga brah! Nag text si Zaji nasa Crainum na daw siya" singit ni Hiro at inangat ang cellphone niya.

Si Zaji nasa Crainum?

Anong ginagawa niya doon? At bakit hindi siya pumasok? Bakit wala siya sa game ko?

"Tara na! I'm so hungry na!" Angil ni Janessa saamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon