6

30 17 10
                                    

Maaga akong nagising kaya nag ka sabay kami ni Shine sa pagpasok. Nang dumating kami sa school, dahil higher year saakin si Shine iniwanan niya agad ako at nag mamadaling umalis. Grade conscious eh?

Tahimik akong nag lalakad sa hallway papunta sa homeroom namin at as usual , pinag titinginan pa din nila ako. Hangang ngayon ganyan pa din sila, hindi paba sila nasasanay? Isang lingo na nila nakikita ang pag mumukha ko.

Noong malapit na ako sa homeroom namin napa hinto ako ng mapansin ko yung grupo ng kababaihan at kalalakihan na naka titig saakin.

"What? Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda?" Magalang kong tanong sakanila.

Kanya kanya silang iwas ng tingin ng sabihin ko yun. Wala ako sa mood para pag tinginan nila , unang una sa lahat antok na antok pa ako.

Pag pasok ko sa room tahimik at kokonti palang ang tao. Salamat naman! Makakatulog pa ako ng maayos . Walang Eris, walang Zaji na mang bubwisit ng buhay ko.

Pag ka upo ko palang inayos ko ang earphones ko na hindi ko malaman kung bakit nagugulo at nag bubuhol samantalang maayos ko namang inilagay. Isasalpak ko na sana sa tenga ko ng may biglang lumapit saakin kaya't napahinto ako.

Tinitigan ko siya at saglit na pinag masadan. Mahaba yung itim at diretso niyang buhok na may bangs, may thick eyes glasses at braces. In short, nerd.

"Anong kailangan mo ? " tanong ko sakanya.

Baka mag papaturo? Pero imposible yun top 1 namin ito eh. O baka naman mang hihiram ng pera? Hindi rin mukhang mayaman naman siya.

So ano ngang kailangan ni Niña Amores saakin? Yes, kilala ko siya. Kahit naman tahimik at walang pakiaalam ako dito sa mundo ay nag mamasid pa din ako. Siya yung nerd na parating inuutos-utusan ng grupo nila Eris at binubully.

"H-hi g-gusto ko -ko lang kasi makipag kaibigan sayo" sabi nito saakin at halatang nahihiya pa dahil naka yuko siya.

Sakin? Makipag kaibigan? Siya ? Anong na kain niya at ako pa ang gusto niyang maging kaibigan? Eh halos hindi ko nga sila iniintindi dahil unang una wala akong pakialam sakanila.

"I don't like having friends. " honest kong sagot sakanya.

Bakit ko kailangan ng kaibigan? Eh nanjan naman ang mga pinsan ko. Nanjan si Shine at si Janessa at isa pa, ayoko sa mahihina. Katulan ni Niña, hinahayaan niyang tapak tapakan siya nila Eris kahit maari naman siyang tumutol at lumaban. Atsaka ang kaibigan mo lang dapat sarili mo, kasi kahit kailan hinding hindi ka niyan pa plastikin at iiwan hindi gaya nila.

"Pe-pero gusto talaga kitang maging kaibigan Miracle! P-please give me a chance." Nag mamakaawa niyang sabi saakin habang pinagdikit pa ang palad niya.

"Bumalik kana sa upuan mo, ayoko makipag kaibigan sa mahina." Sabi ko at inalis ang tingin ko sakanya.

Nalipat ang tingin ko sa pintuan kung saan nakita kong paparating na ang mutant.

"Hay! Nakaka pagod mag lakad sa hallway" sabi niya pa sa mga classmates namin na mukhang walang pakialam sa sinasabi niya.

Nakaka pagod daw mag lakad sa hallway, sus! Paano siya hindi mapapagod eh papasok lang siya naka 4 inch na heels pa siya, edi sana triny niyang lumipad para di siya nag lakad o kaya naman try niya alisin yung ka impokritahan niya sa sarili niya.

Tinitigan muna ako ni Eris at inirapan, hangang ngayon talaga inis pa din siya saakin. Insekyorang mutant. Minamasdan ko lang sila, maya maya pa lumapit si Eris sa upuan ni Niña.

"Hoy nerd! Gawin mo 'tong assignment ko! Nakalimutan ko kasi gawin , nalasing kasi ako kagabi." Sabi nito at inabot ang note book niya sa calculus.

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon