8

32 11 4
                                    

Tulala ako sa upuan ko at naka ngalum-baba habang nag didiscuss si ma'm, tinitigan ko yung mga sinusulat ni mam sa bored and i can say na wala akong naiintindihan sa philosophy namin ngayon.

Hindi kasi maalis sa isipan ko kung paano ako natulala kagabi kakaisip sa hindi ko inaasahang pang yayari kagabi, napalingon ng may biglang pumasok sa room galing sa back door.

Nakita ko si Zaji na cool na cool na nag lalakad palapit sa pwesto namin na parang hindi alintana kung mahuli man siya ni mam o hindi. Maya maya pa ay nasa tabi ko na siya. Hindi ko siya pinansin at pinilit tinuon ang mata ko sa tinuturo ni mam kahit wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi nito.

"Good morning wife" sabi nito sakain at naka ngiti.

Hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang pag papangap kong nakikinig ako.

Damn you Zaj, pinuyat moko.

"Uy puyat kaba?" Tanong niya saakin na para bang wala lang yung nangyari kagabi.

Hindi ko pa din siya sinagot, mabuti naman at nanahimik na siya at hindi na ulit nag tanong. Dumadausdos na ako sa lamesa ko dahil sa antok, gustong gusto ko pumikit. Kung bakit ba naman kasi hindi ako pinatulog nitong katabi ko kagabi.

Andaming tumatakbo sa isip ko, bakit niya ako niyakap? Bakit niya sinabing nag seselos siya? At bakit ako apektado sakanya? Im not like this. Im so not like this, because i don't freakin care about everything pero bakit ganito?

"UY MIRA TAWAG KA NI MAM!" nagulat ako ng kulbitin ako ni Niña na nasa likudan ko na ngayon naka upo.

Nangunot ang noo kong tumingin sakanya at ngumuso siya sa harapan. Nakita ko si mam na matalim na naka titig saakin.

Oh God! Ni hindi ko man lang napansin na tinatawag ako nito? Ganun pa ako ka pre-occupied dahil sa nangyari kagabi?

Inayos ni mam ang salamin niya sa mata bago ito nag salita.

"Kung inaantok ka Delvalle, umuwi kana lang." Sabi nito saakin.

"Sorry." Labas sa ilong kong sabi. Inismiran ako ni mam dahil alam niyang walang bahid ng sinseridad ang pang hingi ko ng sorry.

Wala siyang nagawa kung hindi bumalik na lang sa pag tuturo, naka simangot akong tumungo at lumingon sa katabi ko nakita kong dumudutdot ng cellphone si Zaji.

Sino kayang ka text niya? Ts, as if i care.

Pinabayaan ko nalang siya at tumingin sa harap na pairap ako ng wala sa oras dahil sa inis dahil naputol ang tulog ko. Ugh! Nakaka inis! Sabi nila paaralan ang pangalawang tahanan naming mga kabataan, pero bakit ayaw nila akong hayaang matulog sa pangalawang bahay ko?!

Natapos ang klase na wala akong naintindihan, nauna akong mag lakad palabas ng room dahil nakita ko na nag hihintay sa labas si Janessa at yung dalawang mokong.

Palabas na sana ako ng may humawak bigla sa kamay ko . Sino pa ba ? Edi ang taong dahilan ng pag ka puyat ko.

Inalis ko ang pag kakahawak niya at tinawag si Niña na nag aayos pa ng gamit.

"NIÑA LET'S GO!" sigaw ko dito.

Ngumiti naman ito saakin at tumango pero agad na napawi ang ngiti niya nang mapatingin siya sa gawing kanan niya, sinulyapan ko kung sino ang tinitignan niya. Ts. Si Eris lang pala na masama ang tingin. Hinila kona si Niña bago pa siya maiyak.

"Hi bakit ang tatagal niyo?!" Naka simangot na bulyaw saamin ni Janessa.

"Ang tagal ni mam mag turo eh" sagot naman ni Niña sakanya.

Right MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon