"Class dismiss"
pag kasabi non ni mam, nag madali na akong lumabas ng room at padabog na kinuha ang bag ko. Inis na inis talaga ako ngayong araw na to.
Tiniis kona nga yung pang bubwisit niya saakin dahil naging sitmates kami tapos ngayon magiging partners pa kami ? Hell no!
Tiniis kona yung araw araw na pang iinis niya, Kung bakit banaman kasi dun ako napaupo sa tabi ng upuan niya, bakit alam ko bang nakaupo siya sa tabi nun?hindi naman diba? Hindi ko naman alam na makakasalamuha ko pala ang manyak na tulad niya.
Hindi ko alam kung saang parte ng Geneva ako dinadala ng paa ko dahil sa inis na nararamdaman ko kay Delacuesta.
"OUCH!" daing ko.
Kamalas malasan naman talaga oh, tinamaan ako ng bola ng basketball sa ulo. Nilibot ko ang paningin ko, wala naman ako sa gym ha? nasa tapat palang ako ng school garden kaya bakit mag bola ng basketball dito?
"Miss sorry miss!" napataas ang kilay ko sa dalawang humahangos na lalaki na parang hingal na hingal na hinabol ang bola na tumama sa mukha ko.
So sila yung mga walang modo na bumato ng bola saakin?! Tinitigan ko sila ng masama. Yung titig na binibigay ko sa mga na pa ospital ko sa Fuera.
"U-uy miss sorry na nga wag monaman kami tignan ng ganyan" sabi nung lalaking kulot na blonde ang buhok saakin.
"Oo nga miss, di naman namin sinasadya pasensya kana" sabi naman nung kasama niyang chinito na may ear pierce.
Huminga ako ng malalim para mawala ang inis ko dahil sa nagawa nilang dalawa. Baka naman hindi talaga nila sinasadya. Hindi naman ako ganun kasama para awayin sila o suntukin ang mukha nila dahil sa isang bagay na di naman sinasadya.
"Hayaan nyoo--Aray! b*llcrap!" Hindi ko manlang natapos ang sasabihin ko ng may lumipad na makapal na libro sa akin.
Damn! anong tingin ng mga tao saakin dito batuhan? ang sakit na ha? ang malas talaga ng eskwelahan na to nag papasok kasi sila ng manyak na impakto at ng mutant eh.
"Walang hiya ka Van! bakit di moko nirereplyan? wala kana talagang inatupag kung lumandi!" sigaw nung babaeng sa tingin ko nag bato ng libro.
Para kay chinito o Van daw ata yung libro na binato pero saakin tumama.
"Sorry babe, ano kasi hindi ako nakikipag landian natamaan kolang ng bola si ano--siya " Sabi nung Van, lumingon naman saakin ang babae .
At parehong nanlaki ang mata namin, pero sa isip lang yung akin siya nanlaki talaga yung mata niya literal, napaka o.a talaga ni Janessa.
Oo si Janesaa Lim ang bumato ng libro saakin, bakit ba kasi lagi siyang may dalang libro? Hindi naman mahilig mag basa to ah?
"Miracle? anong ginagawa mo dito? bakit mo sila kasama ? close kayo?" sunod sunod na tanong nito saakin.
Mukang naguluhan naman yung dalawa sa nangyayari ngayon ng mag salita si Janessa.
"Mag kakilala kayo?" tanong ni Blonde.
Hinarap siya saglit ni Janessa at nag salita.
"Hoy lalaking mukang pansit kanton ang buhok! wag kang mag tanong! Obvious ba ? Nag usap kami malamang mag kakilala kami!" sigaw nito dun kay Blone.
Napakamot nalang sa ulo si blonde at umiwas ng tingin, bakit ba highblood to si Insan ngayon?
"Babe, kumalma ka nga pano mo siya kilala?" tanong naman nung Van.
Boyfriend niya yung Van sa tingin ko based sa tawagan nila ng nakakadiring "babe" Babebitawan ka din niyan!
"Pinsan ko yan tukmol wag ka mag salita ayaw kita kausap!" sigaw naman nito sa boyfriend niya at itinulak ito.
BINABASA MO ANG
Right Mistake
HumorWalang perpektong tao.Lahat pwedeng mag kamali. walang permanente sa mundo.lahat pwedeng mag bago. Yung dating nasa tabi mo pwedeng mawala. Yung dating taong ayaw na ayaw mo sila pala ang mag iistay sa tabi mo. Sa totoo lang magulo ang mundo, mas ma...