Kasalukuyan akong nasa Dance Studio, madalas akong magpalipas dito ng oras lalo na kapag stress, problematic at kapag gusto kong mag-emote.
Ako si Eunice Kim .
Isa akong trainee sa Starbuilder Entertainment. Isa itong agency na nagbibuild-up ng talent upang maging isang sikat na artista.
1 year na ko ditong trainee pero yung iba 2 years na, ang pinakamatagal 3 years, trainee pa din.
Depende din kasi sa President ng company namen kung ready ka na mag-debut, meaning pwede ka na ipakilala in public as talent nila.
No salary pa kami pag trainee, kaya kelangan mo talagang mamuhunan kung may dream ka talaga.
Teka, pano nga pala ako nakapasok dito?
I'm sure curious din kayo.
Sige kwento ko.
Nasa 3rd year college ako ng makita ko sa website ng Starbuilder Entertaiment ang kanilang pa-audition.
Actually, hindi niyo naitatanong raketera ako, lahat ng pagkakakitaan pinapasok ko, ang pag-rampa, ang pagiging ekstra sa pelikula, ang pagkanta sa gabe, ang pagsali sa dance contest at pati na din ang pagiging beauty queen.
Pero hindi sash o trophy ang habol ko sa mga pa-contest na yan kundi yung prize money.
Basta may pera GO! ako. $_$
Kelangan ko kasing kumita ng pera para suportahan ang pangangailangan naming magkapatid. -_-
Wala na kasi kaming mga magulang.
At baon din kami sa utang dahil sa pagkakasakit ng mother ko.
Buti na nga lang walang nagbubunganga sa amin para maningil. Naiintindihan naman kasi nila ang sitwasyon namen.
May mga relatives din naman sumusuporta financially kahit paano kaso hindi sa lahat ng oras. Ayoko naman silang obligahin dahil una sa lahat hindi nila kami obligasyong magkapatid.
Before akong mag-audition, free lancer ako as a model, un ang part-time job ko nung college ako at part-time job ko pa din kahit na trainee na ako.
As I've mentioned a while ago, no salary pag trainee, kaya naman need ko pa din rumaket and aside from that sayang naman kasi ang height na binigay sakin ni god kung hindi ko naman gagamitin pati na din ang mga talent na binigay nya kung hindi ko naman ishe-share diba?!
Kaya eto tyaga-tyaga lang pag may time.
Hip-hop ang genre ko sa pagsayaw. FYI (for your information) lang, baka kasi magtanong kayo eh √(*.*)>.
Kasalukuyan akong humahataw sa sayaw ng biglang tumigil ang music ko. ^(oo)^
"Haaaayyyyy!!! Naku naman Eunice kanina pa kita tinatawag dito hindi mo ko iniintindi. pinapatawag ka sa office ni Presidente, pumunta ka daw dun...now na!!!".
Si Joey yan, hindi po sya gay at hindi din po sya boy, babae po sya panlalake lang ang name nya.
Frustrated po kasing magkaron ng anak na lalake ang tatay niya kaya ayun lalaki ang ipinangalan sa kanya.
Buti na lang tigok na ang kanyang ama kung hindi baka natuluyan na yang naging lalake.
Malupit po kasi ang tatay nya, halos araw-araw ginagawa silang punching bag na mag-ina.
Kaya naman naisipan na ng nanay ni Joey na layasan ang walanghiya niyang asawa.
Kaya naman samin sila napatira.
At ang tatay nya eh nabalitaan na lang na nabaril, kung sino ang bumaril? (Ma, as in malay.)
Karma ata ang tawag dun.
Sa ngayon, si Joey po ang tumatayong manager ko, bestfriend and personal assistant ko na din.
Frustrated fashion designer po yang si Joey at sa'kin nya po binubuhos ang frustration nya.
Sya po ang madalas pumili ng outfit ko.
Pati po mga gown ko sa pageant sya din po ang gumagawa.
I mean yung design lang po ha! hindi po kasi sya marunong gumamit ng makina, tapos pinatatahi po namen.
Trusted ko naman sya, na hindi ako mag-mumukhang ewan in front of everybody.
May skills naman po talaga sya. Madalas nga po akong manalong best in evening gown at best in costumes.
Sayang nga lang at hindi nya natapos ang course nya.
Simula kasi ng magkasakit si mommy nahinto na din sya, si mommy kasi ang nagpapaaral sa kanya.
Ako naman, nagsariling kayod, para mapatapos ko ang sarili ko. Nung time din kasi na yun, madaming opportunity ang dumating.
Si Nanay Miriam ( nanay po ni Joey na nanay na din po ang tawag namin) ang tumatayong guardian naming magkapatid.
Wala na din kasi kaming mga relatives dito lahat sila nagmigrate na.
Sa Bahay na iniwan ng tita ko para sa aming magkapatid din sila nakatira.
...Back to stories na po tayo.....
"Ha? Bakit daw?", nagtataka kong tanong habang nagpupunas ng pawis.
"Ewan. Puntahan mo na lang kaya para malaman mo." sagot niya habang nananalamin.
"Sabi ko nga, pero galit ba?" madalas kasi pag nagpapatawag si president eh, kapag trip ka niyang pagalitan, kaya medyo kinakabahan ako.
"Mukhang hindi naman. Kalmado naman siya kanina nung kausap ko sa fone."
"Ahhh, ok. sige. bihis na muna ako", agad kong sabe sabay talikod. nasa labas na ko ng studio ng sinilip ko ulit sya sa loob sabay sabing,
"Samahan mo na kaya ako,
takot ako eh!", kinakabahan kasi talaga ako, napapaisip tuloy ako kung anong nagawa kong mali.
"Ano ka!? e_e mandadamay ka pa. kaya mo na yan! pagsubok lang yan!
•﹏•" sabay ngiti ng nakakaloko.
"Psh! wala kang kwentang friend!" ˋ︿ˊ sabay talikod at dumiretso na ko sa bathroom para maligo na din dahil sa puro pawis na ako sa kasasayaw kanina. nakakahiya naman kay president if maamoy niya akong maasim.
BINABASA MO ANG
My Idol My 1st Kiss!?
RomanceSi Eunice Kim. Isang trainee sa Starbuilder Entertainment. Nag-audition at nakapasa sa isang upcoming drama na ang main actor ay si Lee Minho. Ang idolong matagal na nyang pantasya. Ang hindi nya inaasahan, ang idolo nyang ito ang magiging firs...